Pagbabakuna tuloy sa Metro Manila kahit ECQ
- Published on August 3, 2021
- by @peoplesbalita
DAHIL sa namuong banta ng Delta variant, walang kuwestiyon na ang pagbabakuna sa mga lugar na nasa ilalim ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) classification ay isang mahalagang solusyon.
Nakasaad sa Seksyon 2 ng Guidelines for Areas Placed Under ECQ ng Omnibus Guidelines on the Implementation of Community Quarantine sa Pilipinas na “gatherings that are essential for the provision of health services are allowed.”
Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ang pagbabakuna ay napaka-importante para magtayo ng pader ng depensa laban sa Delta variant at protektahan ang populasyon.
“Vaccinating individuals in this trying time is an essential health activity,” giit ni Sec. Roque.
Kaya nga, tiniyak ni Sec. Roque na “Our mass vaccination program will therefore continue and intensify for first and second dose, notwithstanding next week’s ECQ classification of Metro Manila and other areas.”
Kailangan aniyang siguraduhin na ang public transportation at vaccination sites ay mayroong mekanismo para ipatupad ang minimum public health standards.
Kailangan din na makipagtulungan ang publiko para matiyak ang kalusugan at kaligtasan ng lahat gaya ng vaccinators at vaccinees.
Gaya aniya ng palaging sinasabi ni Pangulong Duterte, “no one is safe until everyone is safe.”
Samantala, sa hinggil naman sa financial assistance o ayuda na ibibigay sa mga indibidwal na apektado ng ipatutupad na ECQ, ang marching order aniya ng Pangulo sa mga concerned agencies ay maghanap ng pondo para tulungan ang mga labis na mahihirapan. (Daris Jose)
-
Strengthened Efforts, Expert Insights, and Collaborative Strategies in Davao City
The Davao City Health Office (CHO) disclosed a staggering revelation: a total of 6,252 confirmed dengue cases were reported within the locality from January to December 2023. This alarming figure represents a significant 65.4 percent surge compared to the previous year’s tally of 3,758 confirmed cases. Tragically, the dengue mortality rate in the city has […]
-
Mayor Tiangco nagpasalamat sa DENR, San Miguel Corp. sa sustainable dredging program
NAGPASALAMAT si Mayor Toby Tiangco sa Department of Environment and Natural Resources at sa San Miguel Corp. sa pagsisimula nito ng sustenableng programa sa dredging. “Kailangan natin ang sustainable dredging program para masiguro na ang tagumpay na makakamit natin dito ay pangmatagalan at matatamasa ng mga susunod na henerasyon,” aniya sa kanyang talumpati sa […]
-
Aminadong naisip niya noon na mag-suicide: MATT, bumuti ang mental health nang mapasama sa ‘Voltes V’ team
NAGING malaking tulong daw kay Matt Lozano ang mapasama sa ‘Voltes V: Legacy’ para bumuti ang lagay ng kanyang mental health. Kung noon daw ay naisip pa niyang mag-suicide dahil sa nararamdaman niyang lungkot, ngayon daw ay parati na siyang masaya dahil sa kanyang trabaho. “This show made me […]