• May 18, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagbaril ng senglot na parak sa leeg ng 52-anyos na ale ‘hindi isolated case’ — DILG

Maaaring mas madalas pa kaysa sa gustong aminin ng gobyerno ang mga nangyayaring karumal-dumal na pagpatay ng mga kawani ng Philippine National Police sa mga sibilyan, pag-amin ng Department of the Interior and Local Government.

 

 

Martes lang nang arestuhin si Police M/Sgt. Hensie Zinampan, na nakuhanan ng video nang patayin ang nakaalitang 52-anyos na si Lilybeth Valdez habang lango sa impluwensya ng alak.

 

 

“Kapag ka ganyang buhay ng tao ang pinag-uusapan, hindi pwedeng isolated. Ito’y nakuhanan lang ng video… Eh paano ‘yung mga hindi nakuhanan ng video?” wika ni Interior Undersecretary Martin Diño.

 

 

“Kaya siguro, tanggapin natin na talagang dapat dito, bantayan talaga nang husto itong ating kapulisan.”

 

 

Ang PNP ay isang ahensya na direktang nasa ilalim ng DILG.

 

 

Ilang araw pa lang nang patayin ng Valenzuela PNP ang 18-anyos na may kapansanang si Erwin Arnigo habang “nagsasagawa ng raid sa isang tupada” at pinararatangang nangtangkang mang-agaw ng baril, kahit ganyan ang testimonya ng ilan.

 

 

Nahahambing din ang pagpatay ni Zinampan sa viral video ng pagbaril ni Police SMSgt. Jonel Nuezca sa ulo nina Sonya Gregorio (52-anyos) at anak na si Frank Anthony Gregorio (25-anyos) matapos “makaalitan sa boga at right-of-way.” Kasama ni Nuezca ang anak na menor de edad nang patayin ang mag-ina.

 

 

Ayon naman kay dating Vice President Jejomar Binay sa report ng Rappler, malayo sa pagiging isolated ang kaso ni Zinampan, lalo na’t may “pattern ng abuso at murderous behavior” ang ilang kapulisan sa ngayon, bagay na parang palala raw nang palala.

 

 

“Policemen are not ordinary government workers. They are given guns to protect law-abiding citizens from criminals,” ani Binay sa isang tweet.

 

 

“Ang baril ay hindi dapat ginagamit upang pumatay ng inosenteng mamamayan. Dapat ang mga kriminal ang takot sa pulis, hindi ang taumbayan.”

 

 

Una nang sinabi ni PNP chief Police Gen. Guillermo Elazar na sasampahan na nila ng reklamong kriminal at administratibo si Zinampan.

 

 

Nauwi pa nga ito sa harapang pagkumpronta ng PNP chief sa suspek, hanggang sa pagduduruin, pagyuyugyugin at pagsisigawan si Zinampan.

 

 

“Humihingi po ako ng dispensa sa ating kababayan kung nadala tayo ng emosyon,” ani Eleazar kanina.

 

 

“Pero itong si Police Master Sergeant Hensie Zinampan ay hindi na karapat-dapat na manatili pa sa ating institusyon.”

 

 

‘Hindi lahat ng pulis ganyan’

 

 

Kahapon lang nang sabihin ni presidential spokesperson Harry Roque na “iilan lang sa PNP ang bugok” kumpara sa “libu-libong propesyunal na pulis.” Aniya, ang ginawa ni Zinampan ay “exemption to the rule.”

 

 

“Definitely that is not the rule. That is the exemption to the rule. Wala po tayong magagawa. Kahit na anong organization, may paisa-isang mga bugok,” ani Roque.

 

 

“Pero please, we have hundreds of thousands in the ranks of our policemen. And we hear of one or two cases of this nature… Hindi po totoo na  malawakang maraming pulis [na ganito].”

 

 

Dahil sa insidente, trending #1 sa Twitter ang hastag na #PNPANGTERORISTA habang sinusulat ang balitang ito, na meron nang hindi bababa sa 80.4k tweets.

 

 

Matagal nang nababatikos ang PNP sa ilalim ni Pangulong Rodrigo Duterte sa gitna ng mga isyu sa madugong “war on drugs” at extrajudicial killings ng mga aktibista.  (Daris Jose)

Other News
  • Pets Master Their Own Powers in the New Trailer of ‘DC League of Super-Pets’

    JUST because they’re super – doesn’t make them heroes.    Check out the new trailer of  “DC League of Super-Pets” and watch the action-adventure in cinemas across the Philippines July 27.     Dwayne Johnson stars as the voice of Krypto the Super-Dog in Warner Bros. Pictures’ animated action adventure feature film “DC League of Super-Pets,” from director […]

  • Dating aktor na si John Wayne Sace, inaresto matapos mapatay ang sariling kaibigan sa Pasig City

    INARESTO at nasa kustodiya na ng pamunuan ng Pasig City Police ang dating aktor na si John Wayne na sangkot sa kasong pagpatay umano sa kanyang kaibigan.     Ayon kay EPD Director PCol. Villamor Tuliao, bandang alas syete kagabi, nang pagbabarilin ng aktor ang kaniyang kaibigan sa barangay Sagad, Pasig City.     Sinubukan […]

  • Ads November 7, 2024