Pagbati bumuhos kay retired NBA great Dwayne Wade matapos maging co-owner ng Utah Jazz
- Published on April 20, 2021
- by @peoplesbalita
Bumuhos ang pagbati kay retired NBA player Dwayne Wade matapos kumpirmahin nito na kabilang na siya sa may-ari ng NBA top team ngayon na Utah Jazz.
Kung maalala huling naglaro si Wade, dalawang taon na ang nakakalipas sa ilalim ng Miami Heat kung saan inabot siya ng 14 na season.
Ang three-time NBA champion ay makakasama niya bilang majority sa ownership ang team governor na si Ryan Smith.
Hindi naman isinapubliko kung magkano ang ibinuhos niya na financial investment sa naturang prangkisa.
Para naman kay Wade, na dating eight-time All-NBA player sa Miami, nais niyang magkaroon ng aktibong papel sa Jazz kung saan kabilang sa malapit nitong kaibigan ay ang superstar point guard na si Donovan Mitchell.
Kabilang sa bumati kay Dwayne ay ang Heat owner na si Micky Arison.
Nanghinayang ito na sana sa Miami na lang ito naging co-owner.
Sa ngayon napabilang na rin si Wade sa mga basketball legends na nagmamay-ari na ng mga NBA teams.
Katulad na lamang ni Grant Hill ng Atlanta Hawks, Shaquille O’Neal na part owner ng Sacramento Kings at ang Charlotte Hornets majority owner na si Michael Jordan.
Ang isa pang NBA great na si Magic Johnson ay dati ring may 4% share sa Los Angeles Lakers.
-
PNP chief sa mga courier services:’Kilatisin mabuti ang mga rider’
Pina-alalahanan ni PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar ang mga delivery at courier service companies na kilatisin muna ng mabuti ang kanilang mga kinukuhang delivery riders para masigurado na hindi nagagamit ang kanilang kumpanya sa mga iligal na transaksiyon at lalo na ang paghahatid ng mga kontrabando. Hinimok naman ng PNP ang mga delivery […]
-
Vaccination program, tuloy -Sec. Roque
TULOY pa rin ang vaccination program na isinasagawa ng pamahalaan kahit pa inilagay sa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) “subject to heightened restrictions” ang National Capital Region (NCR) mula Hulyo 30, 2021 hanggang Agosto 5, 2021 at simula naman sa Agosto 6, 2021, ang klasipikasyon ng NCR ay itataas sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) […]
-
Grand Prix sa Japan kinansela dahil sa COVID-19
Muling kinansela ang Japanese Grand Prix dahil sa banta ng COVID-19. Ito na ang pangalawang magkasunod na taon na kinansela ang nasbing karera. Gaganapin sana ito sa Suzuka sa darating Oktubre 10. Ayon sa Forumula One organizares na mismo ang gobyerno ang nagdesisyon na kanselahin ang nasabing laro dahil sa […]