Pagbati bumuhos sa panalo ni Donaire
- Published on June 1, 2021
- by @peoplesbalita
Nanguna si Filipino boxing champion Manny Pacquiao sa bumati kay Nonito Donaire matapos ang panalo nito kay Nordine Oubaali ng France para makuha ang WBC Bantamweight belt.
Sinabi ng fighting senator na bagay pa rin ang tawag kay Donaire bilang Filipino Flash dahil sa pagiging oldest WBC bantamweight champion.
Tulad din niya ay naging oldest boxer na makakuha ng WBA welterweight champion noong Hulyo 2019 ng talunin si Keith Thurman sa edad 40.
Ilan sa mga boksingero na nagpaabot ng kanilang pagbati ay sina Canelo Alvarez, dating world champion Andre Ward at Timothy Bradley.
Sinabi naman ni Donaire na ang edad ay numero lamang dahil maraming may mga may edad na ang nangunguna sa iba’t-ibang larangan.
Magugunitang pinabagsak ni Donaire ang kaniyang kalaban sa loob ng ikaapat na round.
-
Senate Medal of Excellence ibibigay kay Yulo
ISINULONG ng ilang senador ang pagbibigay ng Senado ng “medal of excellence” sa Filipino gymnast Carlos Yulo na nakasungkit ng dalawang gintong medalya sa 2024 Paris Olympics. Kabilang sa mga naghain ng resolusyon para kilalanin ang pambihirang nagawa ni Yulo sina dating Senate President Juan Miguel Zubiri, Senate Majority Leader Francis Tolentino at […]
-
Pinoy figure skater Michael Martinez handang tulungan ang mga interesado sa nasabing sports
NAKATUON ngayon si Pinoy figure skating star Michael Martinez sa pagtuturo ng mga susunod na henerasyon na skaters. Sinabi nito na kasama niya sina American Olympic figure skaters at U.S. Figure Skating Hall of Fame recipients Maia at Alex Shibutani na nagtuturo ng mga interesado sa nasabing sports. Masaya ito dahil sa pamamahagi ng kaniyang mga […]
-
WANTED SA PANANAKIT SA KA-LIVE-IN NA BUNTIS, ARESTADO SA MALABON
ISANG lalaking wanted dahil sa pananakit sa kanyang walong buwan buntis na live-in partner ang arestado ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) sa Malabon City, kamakalawa ng gabi. Ayon kay Malabon police chief P/Col. Albert Barot, si Rickman Serafin, 30 ng Blk 14G, Lot 14, Teacher’s Village, Brgy. Longos ay […]