• December 4, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagbawi sa Overseas Deployment Ban, malabo-Malakanyang

TINIYAK ng Malakanyang na hindi babawiin o ili-lift  ng Pilipinas ang overseas deployment ban sa mga healthcare workers sa hinaharap dahil sa COVID-19 pandemic.

 

Ayon kay presidential spokesperson Harry Roque, ang deployment ban ay mananatili sa kabila ng pagsalungat ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., na nakipagtalo na ang pagbabawal sa mga doktor, nurse at iba pang medical professionals mula sa pagta-trabaho sa ibang bansa ay  unconstitutional.

 

Sinabi pa ni Sec. Roque na ipinatupad ni Pangulong Rodrigo  Roa Duterte ang deployment ban para protektahan ang kalusugan at buhay ng mga  Filipino healthcare workers at paigtingin ang  medical manpower ng bansa sa gitna ng pandemiya.

 

“Napag-usapan po ‘yan sa IATF [ Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases] and we all concurred with the opinion of the President except for Secretary Locsin,” ayon kay Sec. Roque.

 

“The President encourages free thought even among Cabinet secretaries especially on matters that do not fall within their primary jurisdiction,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque.

 

At nang tanungin kung darating ang panahon na ili-lift ng bansa ang  travel restrictions sa  medical professionals ay sinabi ni  Sec. Roque : “Wala po siguro.”

 

Noong nakaraang linggo, hinikayat ni Sec. Roque ang mga health workers na gumawa muna ng karanasan sa bansa sa pamamagitan ng paga-apply para sa posisyon sa ilalim ng  COVID-19 emergency hiring program ng pamahalaan.

 

“And by equipping/acquiring themselves with the skills and competence their profession entails, they have not only helped our people during this time of global health emergency crisis, but they, too, would have been provided the work experience that would open doors for opportunities for overseas employment,” ang pahayag ni Sec. Roque.

 

Tanging ang mga  healthcare employees na mayroong government-issued overseas employment certificates (OEC) at  verified work contracts ‘as of March 8, 2020’ ay  exempted mula sa pansamantalang   deployment ban sa medical at allied health workers.

 

Exempted din sa ban ang mga nagbabakasyon lamang na  health workers  na may existing job contracts sa ibang bansa. (Daris Jose)

Other News
  • Mga ama, dapat na magbigay ng child support alinsunod sa batas-DSWD

    INATASAN ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Erwin T. Tulfo ang lahat ng field offices ng departmento na maging handa na tulungan ang mga ina na naghahanap ng  child support mula sa ama ng kanilang anak o mga anak.     Sinabi ni Tulfo, alinsunod sa  Article 195 ng  Family Code, binigyang […]

  • Bishop bida sa pagtakas sa Gin Kings Bolts inangkin ang game 3

    NIRESBAKAN ng Meralco ang nagdedepensang Ba­rangay Ginebra para aga­win ang 83-74 panalo sa Game Three ng PBA Go­ver­nors’ Cup kahapon sa MOA Arena sa Pasay City.     Rumatsada si import Tony Bishop sa kanyang ti­napos na 30 points at 17 rebounds para ibigay sa Bolts ang 2-1 bentahe sa kanilang best-of-seven championship series ng […]

  • Sinabihang ‘masama ang ugali’ nang makita sa mall: GABBI, nagulat din na kayang makipagsabayan kina JODI at JOSHUA

    KILALANG mahuhusay na artista ang mga kasabayan ni Gabbi Garcia sa serye na ‘Unbreak My Heart’ tulad nina Jodi Sta. Maria at Joshua Garcia at iba pang supporting cast, pero nagawa ni Gabbi na hindi magpahuli at makipagsabayan sa mga ito.   “Siguro it’s really all hard work and disiplina po. And ang dami ko […]