• March 19, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagbibigay-pugay sa EDDYS Icon, isa sa mga highlights: DINGDONG at MARIAN, nagpaningning sa Gabi ng Parangal sa pagtanggap ng ‘Box Office Heroes’

ISA sa mga naging highlights ng Gabi ng Parangal ng ika-pitong edisyon ng ‘The EDDYS’ ang pagbibigay-pugay sa bagong batch ng EDDYS Icons.

 

 

Itinuturing na silang mga haligi ng movie industry na kinabibilangan nina Nova Villa, Leo Martinez, Lito Lapid, Eva Darren at Gina Alajar.

 

 

 

Isang posthumous award din ang ipinagkaloob sa yumaong comic strip creator, movie producer at direktor na si Carlo J. Caparas, na tinanggap ng kanyang mga anak na sina Peach at CJ Caparas.

 

 

Iginawad din ng SPEEd ang The EDDYS Box Office Heroes kina Dingdong Dantes, Marian Rivera, Alden Richards, Julia Montes, Kathryn Bernardo at Piolo Pascual na malaki ang ambag sa muling pagbangon ng Philippine movie industry. Hindi naman nakadalo sina Kathryn at Alden para personal na tanggapin ang kanilang award.

 

 

Ang Isah V. Red Award (ang mga walang sawang tumutulong at nagbibigay inspirasyon sa mga kababayan nating nangangailangan) ay ipinagkaloob ito kina dating Ilocos Sur Governor Luis “Chavit” Singson at Quezon City Mayor Joy Belmonte. Ang tumanggap ng parangal ay ang kanyang amang si dating Mayor Sonny Belmonte.

 

 

Ang Joe Quirino Award ay iginawad sa beteranang broadcast journalist na si Korina Sanchez, habang ang veteran entertainment columnist na si Ronald Constantino ang tumanggap ng Manny Pichel Award.

 

 

Ngayong taon, ang Rising Producer Circle Award ay ipinagkaloob sa Mentorque Productions, ang nag-produce ng mga pelikulang “My Father Myself” at “Mallari,” na kung saan humakot ng technical awards.

 

 

Ang Brightlight Productions ang line producer ng ginanap na awards night. Sa pakikipagtulungan ng Newport World Resorts at ALLTV, kasama pa rin ng SPEEd sa pagtatanghal ng The 7th EDDYS ang Globe Telecom at iFern/Kim’s Diary bilang major sponsor.

 

 

Katuwang din ng grupo ngayong taon si DILG Secretary Benhur Abalos, Mayor Albee Benitez, Beautéderm ni Rhea-Anicoche Tan, Unilab, Frontrow, Kat Corpus Atelier, Sen. Chiz Escudero, Sen. Bong Revilla, Camille Villar, Sen. Nancy Binay, former Ilocos Sur Governor Chavit Singson, Congressman Arjo Atayde, Emelette Gorospe, Rowena Gutierrez, Kamiseta, Casa Juan, at ang Echo Jham Entertainment Production.

 

 

Nagsilbi namang official auditor ang Juancho Robles, Chan Robles & Company (CPAs).

 

 

 

Mapapanood ang kabuuan ng awards night sa delayed telecast nito sa ALLTV sa July 14, 10 p.m..

 

 

Ang annual event na ito na mula sa samahan ng mga entertainment editors sa Pilipinas ay nagbibigay ng pagkilala at pagpapahalaga sa mga pelikula at personalidad na itinuturing na “best of the best” sa Philippine Cinema.

 

 

Ang SPEEd ay binubuo ng mga current at former entertainment editors ng mga leading newspaper at online site sa Pilipinas, sa pangunguna ng presidente nitong si Salve Asis ng Pilipino Star Ngayon at Pang Masa.

 

 

 

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Ads December 17, 2021

  • CHECK OUT THESE CHEEKY NEW POSTERS FOR JENNIFER LAWRENCE’S COMEDY “NO HARD FEELINGS”

    SEE Jennifer Lawrence like you’ve never seen her before in the new posters for the outrageous comedy No Hard Feelings, in cinemas June 2023.     About No Hard Feelings     Jennifer Lawrence produces and stars in No Hard Feelings, a laugh-out-loud, edgy comedy from director Gene Stupnitsky (Good Boys) and the co-writer of […]

  • AIR POLLUTION

    MISTULANG COVID-19 ang air pollution sa bansa sapagkat 27,000 katao ang pinapatay bawat taon, sa pag-aaral ng Greenpeace Southeast Asia at ng Center for Research on Energy and Clean Air, ang usok mula sa mga sasakyan gamit ang gasolina at krudo at maging ang mga sinusunog na coal ay nagiging sanhi ng kamatayan ng mga […]