Pagbibitiw ni Duque iginiit
- Published on September 4, 2021
- by @peoplesbalita
Lumusob noong Miyerkoles ng umaga ang daan-daang healthcare workers na kaanib ng Alliance of Health Workers at Filipino Nurses United (FNU) sa harap ng head office ng Department of Health (DOH) sa Rizal Avenue, Maynila at nanawagan sa pagbibitiw ni Secretary Francisco Duque III.
Pasado 10:00 ng umaga, unang nagtipun-tipon ang mga health workers sa harapan ng Philippine General Hospital (PGH) bago nagmartsa patungo sa tanggapan ng DOH.
Lumahok dito ang mga healthcare workers buhat sa Jose R. Reyes Memorial Medical Center (JRRMMC), National Kidney and Transplant Institute (NKTI), Philippine General Hospital, Research Institute for Tropical Medicine at Tondo Medical Center. Umabot sa humigit kumulang 200 ang mga nagprotesta makaraang samahan sila ng iba’t ibang militanteng grupo.
Nagsagawa muna ng programa ang mga health workers na sinundan ng noise barrage bago tuluyang tinapos ang kanilang protesta. Panawagan ng mga demonstrador ang agarang pagbibitiw ni Duque dahil sa kabiguan na maibigay ang mga benepisyo nila kaugnay ng pandemya.
Ayon kay Cristy Donguines, presidente ng JRRMMC employees union, sa ngalan ng delicadeza ang panawagang pagbaba sa puwesto ni Duque.
Samantala, sinabi ni Filipino Nurses United (FNU) convenor Eleanor Nolasco na tuluy-tuloy ang isasagawa nilang kilos protesta laban sa DOH dahil hanggang sa ngayon ay marami pa ang hindi nakakatanggap ng pangakong ‘special risk allowance (SRA).
Bukod dito, hinihingi rin ng mga health workers ang kanilang meals, accomodation and transportation (MAT) allowance, at active hazard pay.
Sinabi naman ng DOH na naipamahagi na sa iba’t ibang rehiyon ang may P311 milyon benepisyo para sa mahigit 20,000 health workers. (Daris Jose)
-
HALOS P35 MILYON SHABU NASABAT SA CALOOCAN BUY-BUST
PINURI ni Philippine National Police (PNP) chief P/Gen. Debold Sinas ang Caloocan Police Station Drug Enforcement Unit sa matagumpay nilang drug operation na nagresulta sa pagkakakumpiska sa halos P35 milyon halaga ng shabu mula sa isang grab driver na hinihinalang big-time drug pusher na nasakote sa buy-bust operation sa Caloocan City. Kinilala ni Northern […]
-
45 BI personnel, sinibak sa serbisyo
IKINATUWA ng Malakanyang ang naging desisyon ng Office of the Ombudsman na tuluyan nang sinibak sa serbisyo ang lahat ng tauhan ng Bureau of Immigration (BI) na nasangkot sa kontrobersyal na “Pastillas Scheme” na siyang sinasabing dahilan sa pagdami ng mga ilegal na Chinese na nakapasok sa Pilipinas. Sa isang kalatas, sinabi ni […]
-
3 security guard 3 pa, arestado sa shabu sa Caloocan
Kulong ang anim na hinihinalang sangkot sa ilegal na droga, kabilang ang tatlong security guard matapos makuhanan ng higit sa P.1 milyon halaga ng shabu sa magkahiwalay na drug operation ng pulisya sa Caloocan city. Ayon kay Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr., dakong alas-2 kahapon ng madaling araw nang magsagawa ng […]