Pagbili ng PPEs ng administrasyong Duterte, lehitimo-Sec. Roque
- Published on September 8, 2021
- by @peoplesbalita
MULING iginiit ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ang pagbili ng administrasyong Duterte sa personal protective equipment (PPE) noong nakaraang taon ay lehitimo.
Bagaman gumamit si Sec. Roque ng kahalintulad na talking points, pinili ni Sec. Roque na gumamit ng “visual” route sa kanyang virtual press briefing, araw ng Lunes sa pamamagitan ng paggamit ng dalawang mannequins na nakasuot ng PPEs.
“Hindi ko alam kung ano talaga ang nangyari dyan sa Pharmally [Pharmaceuticals] na yan. Ang alam ko lang po ay facts,” ayon kay Sec. Roque.
Katulong ni Sec.Roque sa kanyang visual presentation si Department of Health (DOH) Undersecretary Charade Grande, na dumalo sa proceedings via Zoom.
Binasa ni Grande ang isang written breakdown ng government purchased PPE sets, habang tinukoy naman ni Sec. Roque ang corresponding article.
Si Roque ay mayroong female mannequin na ginamit nito sa kanyang presentasyoon kung saan inalis nito ng pang-itaas na layer ng PPE upang maipakita sa mga Filipino kung ano ang binili ng pamahalaan gamit ang public funds.
“Heto po ang binili, a nine-piece PPE set sa halagang P1,716,” aniya pa rin.
Inulit naman nito ang pagtatanggol sa ginawang pagbili ng Duterte administration sa medical supplies na sinasabing overpriced.
Kaagad na ikinumpara ni Sec. Roque ang presyo ng PPE sets noong nakalipas na administrasyon sa panahong wala namang coronavirus disease (COVID-19) pandemic o demand para sa medical supplies.
“Hindi po nila dine-deny, P3,800 [per set] ang binili nila (Aquino administration). Pareho po ng PPEs na binili natin ay WHO [World Health Organization]-compliant,” paliwanag ni Sec. Roque.
“Hindi ko po sinasabi na P3,800 ay hindi overpriced or overpriced. Ang sigurado ako, kung nakakabili po ng P3,800, ang P1,716 ay hindi po overpriced,” dagdag na pahayag nito.
Sinabi pa ni Sec.Roque na “Politika na po ngayon. Kinakailangang mas maging maingat at matalino sa pag-aanalyze po ng naririnig”
Samantala, ang Local firm Pharmally Pharmaceutical ang nakasungkit ng P10 bilyong halaga ng government contracts para sa medical supplies noong nakaraang taon nang unang matuklasan ang COVID-19 sa bansa.
Kinuwestiyon ang pag-award ng kontrata sa Pharmally dahil sa mababang capitalization nito at naitatag lamang noong Setyembre 2019. (Daris Jose)
-
Sea travel sa Northern Luzon suspendido dahil sa bagyong Julian
SINUSPINDE ng Philippine Coast Guard (PCG) ang sea travel nitong Lunes ng umaga, Setyembre 30 sa northern Quezon dahil sa masamang panahon dulot ng bagyong Julian. Inanunsyo ng PCG station sa bayan ng Real ang suspensyon ng biyahe sa lahat ng sasakyang dagat na maglalayag sa nasabing ruta sa kani-kanilang lugar dahil na […]
-
5 ‘tulak’ nadakma sa buy bust sa Valenzuela, P285K shabu nasamsam
TINATAYANG halos P.3 milyon halaga ng shabu ang nasabat sa limang hinihinalang tulak ng illegal na droga matapos masakote sa magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City. Sa isinumiteng ulat ni PSSg Ana Liza Antonio kay Valenzuela police chief Col. Ramchrisen Haveria, dakong alas-5 ng madaling araw nang magsagawa ang […]
-
Halaga ng piso muli na namang sumadsad sa all-time record low versus sa dolyar
MULI na namang naitala ang record breaking na paghina ng Philippine peso laban sa US dollar matapos na magsara ngayong araw sa P58.99. Batay sa record ng Bankers Association of the Philippines (BAP) ito na ang ika-limang sunud-sunod na trading day na sumadsad ng husto ang piso. Noong huling trading ng […]