Pagbubukas ng klase sinalubong ng kilos protesta
- Published on October 8, 2020
- by @peoplesbalita
NAGSAGAWA ng kilos protesta ang rotesgrupo ng Alliance of Concerned Teachers (ACT), kasabay ng pagbubukas ng klase at pagdiriwang ng pagdiriwang ng World Teachers’ Day, kahapon ng umaga sa Mendiola sa Maynila.
Naging highlight ng pagkilos ang sabay sabay na pagbusina sa mga dalang sasakyan ng mga guro pasado alas 10 ng umaga para tawagin ang pansin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa sektor ng Edukasyon.
Tiniyak naman ng mga guro na naoobserbahan nila ang physical distancing at naghiwa- hiwalay ang mga ito habang nagsasagawa ng rally.
Kasama sa mga hinaing ng mga guro ay ang kapabayaan umano ng pamahalaan sa edukasyon at kahilingan na bigyan ng pondo ang ligtas na pagbabalik-eskwela ng mga kabataan sa bansa, sa gitna ng nararanasang coronavirus dis- ease 2019 (COVID-19) pandemic.
May bitbit pang mga plakard ang mga guro na may mga nakasulat na mga katagang, “Don’t leave poor, rural children behind!”, “Duterte pabaya sa edukasyon!” at “Ligtas na balik eskwela.”
Sinabi ni ACT Philippines secretary general Raymond Basilio na ang mga pangunahing pangangailangan para sa blended learning, gaya ng printed modules, ay hindi pa natutugunan kahit nagsimula na ang klase sa bansa kahapon.
Sinabi pa ng ACT na nasayang lamang ang panahon ng paghihintay at pagkansela ng class opening noong Agosto 24 dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin nakahanda ang mga pangunahing pangangailangan nila para sa pagbubukas ng klase. (Gene Adsuara)
-
Sa muling pagpirma ng kontrata sa GMA Network: DINGDONG, pinatunayan na mahalaga ang trust at loyalty
MULING pinatunayang ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes ang pagiging loyal sa GMA Network na naging tahanan na niya sa maraming taon. Muli ngang pumirma ng kontrata ang multi-awarded actor at host sa Kapuso Network kahapon, ika-9 ng Mayo na dinaluhan ng top executives ng network na sina GMA Network Chairman Atty. […]
-
PBBM, biyaheng Japan sa kalagitnaan ng Pebrero
SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na byaheng Japan siya sa pangalawang linggo ng Pebrero para sa state visit. “I think the tentative date is around the second week of February, right now,” ayon kay Pangulong Marcos sa isang panayam. Aniya, kaagad niyang tinanggap ang imbitasyon na bumisita sa Japan nang […]
-
IATF, pinag-uusapan na ang pagbabalik operasyon ng mga provincial buses ngayong buwan
MALAKI ang posibilidad na magbalik na ang operasyon ng mga provincial buses bago matapos ang buwang kasalukuyan. Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, nagpapatuloy na ang isinasagawang pagtalakay ng IATF upang masigurong maipatutupad ng maayos ang mga health protocols sa pagbabalik ng operasyon ng mga provincial buses. Kaugnay nito, suportado ng Department of […]