• July 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagbubuwis sa luxury items, bahagi ng tax reform-NEDA

BAHAGI ng  tax reform program ng pamahalaan ang pagbubuwis sa mga luxury items.

 

 

“This is still part of making the tax system simpler,” ayon kay National Economic and Development Authority (NEDA) Undersecretary Rosemarie Edillon.

 

 

Sa ulat, sinabi ni Albay Rep. Joey Salceda na pinag-aaralan na ng kanyang komite na patawan ng mas malaking buwis ang mga luxury goods sa harap ng panawagan na dagdagan ang kinukolekta sa mga mayayaman.

 

 

Sinabi ni Salceda, na siyang chairman ng House committee on ways and means na ito’y sa harap naman ng panawagan ng Oxfam International na patawan ng mas malaking buwis ang mga  “super-rich” sa bansa.

 

 

“The committee is particularly studying taxing wristwatches, bags, and other leather items above P50,000, private jets, luxury cars above P5 million, the sale of residential properties above P100 million, beverages above P20,000 per bottle, traded paintings above P100,000, among other items,” sabi ni Salceda.

 

 

Nauna nang sinabi ng Oxfam ang inequality na nararanasan sa Pilipinas kung saan mas malaki pa ang yaman ng siyam na pinakamayayamang Pinoy kumpara sa pinagsamang yaman ng kalahati ng populasyon ng bansa na aabot sa P55 milyong piso.

 

 

Sinabi ni Edillon na ang pagbubuwis sa luxury goods ay  “theoretically”, isang  buwis sa mga mayayaman.

 

 

“So maganda na rin ito para makatulong sa pagkuha ng revenue. It’s also a way for the more fortunate ones na makatulong,” anito.

 

 

Gayunman, sinabi ni Edillo na ang “good governance”  ang dapat na sukli o kapalit para sa  “mas mataas at bagong buwis.”

 

 

“[Dapat] napupunta sa maayos na proyekto na pang-development and poverty reduction,” ayon kay Edillon. (Daris Jose)

Other News
  • Notice to the Public

    We would like to inform the public that Ms. Weng Visagar is no longer connected with People’s Balita. Any advertising/legal notices transactions from her will no longer be valid.

  • Pres. Duterte tinawag na bayani si Duque sa paglaban sa COVID-19

    Tinawag ni Pangulong Rodrigo Duterte si Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III bilang bayani ng bansa sa paglaban sa COVID-19.     Sa national address nitong Lunes ng gabi sinabi nito na nagiging maganda ang paglaban ng bansa sa nakakamatay na virus kung ikukumpara ito sa ibang mga bansa.     Hindi rin […]

  • Posible sanang ma-extend pero ‘di na uubra: BEAUTY, labis ang pasasalamat sa tagumpay ng ‘Stolen Life’

    EXTENDED na naman ang ‘Abot Kamay Na Pangarap’.     Si Allen Dizon mismo ang nagkumpirma sa amin na sa halip na March ay aabot ng April ang top-rating Kapuso series nila nina Jillian Ward, Carmina Villarroel at Richard Yap.     Pero hirit pa rin ni Allen, “Pero hindi pa nila masabi kung hanggang […]