• April 19, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagbuo ng isang task force para sa pagsagip ng mga Pilipinong marino na nasangkot sa mga sakuna sa karagatan, aprubado

Inaprubahan ng House Committee on Overseas Workers Affairs ang ulat ng komite sa substitute resolution sa House Resolution 1344.

 

 

Ang panukala ay inihain ni Marino Partylist Rep. Macnell Lusotan, na naglalayong himukin ang mga Departments of Foreign Affairs (DFA), Transportation (DOTr), Labor and Employment (DOLE), at Justice (DOJ), Philippine Coast Guard (PCG), Maritime Industry Authority (MARINA), Philippine Overseas Employment Administration (POEA), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), kabilang na ang iba pang kinauukulang ahensiya ng pamahalaan, na buuin ang isang inter-agency task force, na siyang magiging responsable sa paghahanap at pagliligtas ng mga Pilipinong marino na nasangkot sa aksidente sa karagatan, at iba pang mga sakuna na naganap sa karagatang sakop ng Pilipinas, at dayuhang karagatan.

 

 

Magiging tungkulin din ng task force ang pagsisiyasat sa mga nawawalang marino habang sakay ng kanilang mga barko, at tiyakin na ang mga nabubuhay na pamilya ng nawala o nasawing marino, ay makatatanggap ng naaangkop na ayuda mula sa pamahalaan at seguro mula sa kanilang pinagtatrabahuhan.

 

 

Samantala, pinagtibay ng komite ang HR 1152, na nananawagan ng kagyat na ratipikasyon ng gobyerno ng Pilipinas, sa International Labor Organization (ILO) Convention No. 188, o ang Work in Fishing Convention, 2007.

 

 

Ang ILO Convention 188 ay nagbibigay ng umiiral na rekisitos, upang tugunan ang mga pangunahing usapin sa mga trabaho sa mga barkong pangisda, kabilang na ang kaligtasan sa trabaho, pangangalaga sa kalusugan ng mga manggagawa sa karagatan at dalampasigan, pagpapahinga, kasulatan o kontrata sa trabaho, at parehong proteksyon sa social security tulad ng ibang manggagawa o marino.

 

 

Pinagtibasy ang ILO Convention 188 ng General Conference of ILO noong Hunyo 14, 2007, at ipinatupad noong Nobyembre 16, 2017.

 

 

Bumuo din ang komite ng isang technical working group, na hihimay sa mga usapin at mga mungkahi, kabilang na ang pagsasa-ayos ng House Bill 6779 na magpapatupad ng serbisyo sa sapilitang pagbabakuna sa mga Overseas Filipino workers (OFWs), at mga kaparusahan sa mga paglabag sa batas.    (ARA ROMERO)

Other News
  • Lolo at lola ng asawa, tiyak na tuwang-tuwa: KRIS, magiging nanay na at ‘di nila plinano ni PERRY

    MAGIGING nanay na si Kris Bernal.     Ito ang announcement niya sa kanyang Instagram account at Youtube account.     Hindi raw nila plinanong mag-asawa kaya sobrang tuwa niya nang makita niya ang double lines nang mag-pregnancy test siya.     Tiyak naman na ikinatuwa ito ng kanyang mister na si Perry Choi at […]

  • Kampo ni BEA at GMA-7, nagtataka sa lumabas na ‘fake news’ na may offer para maging isang Kapuso

    NAGTATAKA ang manager ni Bea Alonzo, even ang mga taga–GMA Network, sa balitang may offer sila sa aktres para pumirma sa kanila ng contract at maging isang Kapuso.      Fake news iyon, dahil sa ngayon ay committed lamang si Bea para sa movie na gagawin nila ni Asia’s Multimedia Star Alden Richards, ang A […]

  • ‘Raya & The Last Dragon’ Trailer Teases Epic Battles, a Con-Baby and Sisu!

    THE upcoming Disney animated adventure which brings Southeast Asian culture into the spotlight, Raya and The Last Dragon, has just released a new trailer!                  If the first teaser got us excited with Raya wielding arnis sticks in an espionage mission, this full trailer gives us more details on her journey– how Disney’s new protagonist will unite the […]