• July 18, 2025

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagdagsa ng mga tao sa isang resort sa Caloocan, nangyari din sa India na nagbunga ng mabilis na pagkalat ng virus -Malakanyang

IPINAALALA ng Malakanyang sa publiko ang nangyari sa India na hanggang sa kasalukuyan ay nakararanas pa rin ng matinding hagupit ng COVID 19.

 

Ang paalalang ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque ay kasunod ng naiulat na pagdagsa ng tao sa Gubat sa Ciudad resort sa Lungsod ng Caloocan na pinangangambahan ngayong magkalat ng virus.

 

Dapat alalahanin ayon kay Sec. Roque na ang nangyaring super spreader sa India ay sanhi rin ng ginawang pagligo doon ng mga Indiano bukod pa sa ilang kadahilan.

 

Kaya ang resulta ayon sa tagapagsalita ng Pangulo, disaster na ang dulot ay pagkamatay ng marami at kakulangan sa kapasidad ng kanilang mga ospital duon.

 

“Sa India may swimming din. Ano nangyari sa kanila … disaster,” ayon kay Sec. Roque.

 

Ang pangyayari aniya sa Gubat sa Ciudad ay isang malinaw na super spreader na kung saan ay huling- huli ang mga bata at matatanda na nakunan ng video at litrato na magkakadikit na naliligo sa nasabing resort —walang mga suot na facemask, lumabag sa ipinagbabawal na mass gathering, at walang takot sa COVID-19. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)