Pagdanganan sa Abril pa makakahataw sa LPGA
- Published on March 3, 2021
- by @peoplesbalita
PUMALO na ang 72nd Ladies Professional Golf Association Tour 2021 first full-field event nitong Pebrero 25-28, ang Gainbridge LPGA sa Orlando, Florida, pero sa kalagitnaan pa ng Abril makakapag-umpisa ang longest hitter ng nagdaang taon na si Bianca Pagdanganan.
Maaari ring umasa ang 23-taong gulang na Pinay golf star mula sa Quezon City sa LPGA Drive On Championship sa Golden Ocala sa nasabi pa ring estado sa Marso 4-7.
Kaya lang may kalabuan pa rin at malamang na sa Lotte Championship sa gitna ng Abril pa ang maging debut ni Pagdanganan ngayuong taon bilang second rookie season niya sa world major ladies golfest.
Sanhi ito nang pinaiiral na 2021 playability rules na katulad sa 2020 annual priority list para sa mga kalahok bawat kada linggo.
Pebrero 7 pa bumalik ng US si Pagdanganan na nag-average ng 283.07 yards sa 10 niyang torneo noong Hulyo-Disyembre. (REC)
-
DOH may tulong sa mga OFW na apektado ng ipinahintong COVID-19 test ng PH Red Cross
PUMAGITNA na ang Department of Health (DOH) sa hidwaan ng Philippine Red Cross (PRC) at Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) dahil sa hindi pa raw bayad na mga COVID-19 tests. Ayon sa kagawaran, habang patuloy ang kanilang pakikipag- ugnayan sa PRC para maayos ang issue, ilang hakbang na rin ang ginawa nila para makatulong […]
-
Mahigit 5-K na kabahayan napautang ng PAG-IBIG Fund sa mga miyembro nito
AABOT na sa mahigit 5,000 mga kabahayan ang naipautang ng Home Development Mutual Fund o Pag-IBIG Fund para sa mga minimum wage earners at low-income members. Ayon sa PAG-IBIG, na ang mayroong kabuuang 5,411 na mga socialized homes ang kanilang naipautang o na-financed mula Enero hanggang Abril 2022. Binuo ito ng […]
-
Transport group na PISTON , bigong makakuha ng TRO mula sa SC
HINDIĀ agad pinaboran ng Korte Suprema ang petisyon ng transport group na Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Opereytor Nationwide o PISTON na humiling na suspendihin ng korte ang jeepney consolidation program ng pamahalaan. Kaugnay nito, pinagpapaliwanag ng Korte Suprema ang DOTr at LTFRB hinggil sa petition for certiorari and Prohibition with […]