• May 13, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagdanganan tumabla sa ika-64, may P161K

TINIKLOP ni Bianca Isabel Pagdanganan ang laro kagaya sa simula sa tiradang one-under par 71 patungo sa 72-hole total four-over par 292 at tumabla sa tatlo sa 64th place na may $3,373 (P161K) bawat isa pagtatapos ng 72nd Ladies Professional Golf Association Tour 2021 14th leg $1.8M 3rd LPGA Mediheal Championship sa Lake Merced Golf Club sa Daly City, California nitong Lunes.

 

 

Kasalo ng 23-anyos na Philippine shotmaker mula sa Quezon City at suportado ng ICTSI, sa nasabing posisyon sina Japanese Haru Nomura (73) at Australian Sarah Jane Smith (74), na 18 palo ang iwan sa nagwagi si Matilda Castren ng Finland (65-274) kinopo ang $225K (P10.7M).

 

 

Sinakote ng 26 na taong-gulang na bagito, dating Florida State niversity player at nasa kanyang ika-15 torneo sa LPGA Tour ang unang titulo upang maging buwena-manong Finnish na nagreyna sa major US-based Tour.

 

 

Dalawang palo ang naging panalo niya kay Taiwanese Min Lee  nan aka-69-276 at may konsolasyong $136K. Pumangatlo si Hannah Green ng Australia nan aka-66-280 kalakip ang premyong $88,070.

 

 

Hindi umabot sa last two-round finals ang isa pang  pang panlaban ng ‘Pinas at ICTSI din na si Dottie Ardina kaya walang gantimpala. (REC)

Other News
  • DepEd: Walang pasok mula May 2-13 sa public schools ‘dahil sa halalan’

    SUSPENDIDO ang mga klase mula Kinder hanggang Grade 12 sa buong Pilipinas sa halos kalahati ng buwan ng Mayo kaugnay ng ikakasang pambansang eleksyon 2022, ayon sa Department of Education (DepEd).     “Walang pasok ang mga mag-aaral sa lahat ng antas sa mga pampublikong paaralan mula May 2-13, 2022,” paalala ng Kagawaran sa publiko, […]

  • “PETER RABBIT” STILL A MASTER OF MISCHIEF IN SEQUEL’S NEW TRAILER

    THIS year, get ready for the ultimate family event! Watch the new trailer for Peter Rabbit 2: The Runaway now and see Peter in Philippine cinemas soon.     YouTube: https://youtu.be/u_6epDAeAl0     About Peter Rabbit 2: The Runaway     In Peter Rabbit 2: The Runaway, the lovable rogue is back. Bea, Thomas, and the rabbits have created a makeshift […]

  • Sixers, pinayuko ang defending champion Boston Celtics sa Christmas Day games

    Pinayuko ng Philadelphia 76ers ang defending champion na Boston Celtics sa Christmas Day games ng NBA, 118 – 114.       Hindi na nakapalag ang Boston sa 4th quarter offense ng Sixers sa kabila pa ng impresibong performance nina Jayson Tatum at Jaylen Brown.       Pinangunahan ng bagitong guard na si Tyrese […]