• May 18, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Paggamit ng gamot na IVERMECTIN laban sa Covid-19, walang basbas ni PDU30

PINABULAANAN ng Malakanyang ang ulat na may basbas ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang paggamit ng Ivermectin laban sa Covid -19.

 

 

“Hindi po noh? ang nangyari is nag-meeting noong Sabado ang IATF for almost 10 hours and one of the agenda na na-discussed po ay iyong Ivermectin at ni-report po ni Usec. Eric Domingo, Director-General ng FDA na mayroon na pong nag-apply ngayon noh? for compassionate use ng Ivermectin. So, puwede na pong i-process yan ng FDA. Hindi kagaya dati na walang naga-apply,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

 

 

Kaya ang apela ni Sec. Roque na hintayin na lamang muna ang aksyon ng Food and Drug Administration sa mga naisampa nang aplikasyon para sa Ivermectin.

 

 

Sa ulat, muling idiniin ng Department of Health (DOH) na hindi nila nirerekomenda ang paggamit ng Ivermectin para sa paggamot sa COVID-19.

 

 

“Idinidiin po naming hindi inirerekomenda sa ngayon ang paggamit ng Ivermectin para po sa treatment o lunas ng mga pasyenteng may COVID19,” ani DOH Secretary Francisco Duque III sa ginanap na meeting kagabi kasama ang Pangulong Duterte ng IATF.

 

 

Ayon pa sa kanya, hindi pa napapatunayan na mayroong significant na epekto ang Ivermectin sa pagpapababa ng risk mortality o ang paggaling ng kalagayan ng mga pasyenteng may COVID-19 base sa kasalukuyang mga pag-aaral at mga ebidensiya mula sa mga eksperto.

 

 

Ayon sa advisory ng Food and Drug Administration (FDA) ang Ivermectin ay hindi aprubado bilang gamot sa viral infections. Sa kasalukuyan, ang nakarehistro sa FDA na “oral at intravenous” preparations ng Ivermectin ay ginagamit paggamot sa mga hayop laban sa mga ‘parasites’ at  mapigilan ang pagkakaroon ng “heartworm disease.”

 

 

Dagdag pa ng FDA, lubhang mapanganib ang paggamit ng gamot ng hayop sa tao.

 

 

Samantala, walang Talk to the People si Pangulong Rodrigo Roa Duterte mamyang gabi.

 

 

Posible aniya na sa darating na Miyerkules na ito maganap.

 

 

Sinabi aniya ng Pangulo na ang huling pagdating ng Sinovac ay iyon na aniya ang huling pagsalubong sa mga bakuna.

 

 

Bagama’t inaasahan aniya na sunod-sunod na ang pagdating ng mga bakuna sa bansa.

Other News
  • P921 M Chinese deal ng PNR di na tuloy

    Hindi na itutuloy ng Philippine National Railway ang Chinese deal na nagkakahalaga ng P921 M para sa pagbili ng gauge diesel multiple unit (DMU) trains na gagamitin sa Bicol line.       Ayon kay PNR general manager Junn Magno, ang kontrata na ibinigay sa CRRC Zhuzhou Locomotive Co. Ltd na siyang nanalo sa naunang […]

  • 3 TIMBOG SA SHABU AT BARIL SA CALOOCAN

    KULUNGAN ang kinabagsakan ng tatlong katao matapos makuhanan ng shabu at baril sa magkahiwalay na operation ng pulisya sa Caloocan City.     Ayon kay Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr., Alas-10 ng gabi nang parespondehan ni West Grace Park Police Sub-Station deputy Commander PLT Ronald Allan Soriano sa kanyang mga tauhan ang kanilang […]

  • Mahigit sa 1.3 milyong katao, apektado ng Carina, Butchoy – NDRRMC

    TINATAYANG umabot na sa 1.3 milyong katao sa buong bansa ang naapektuhan ng mga bagyong Carina at Butchoy na tumama sa bansa.           Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), sinabi nito na 1,319,467 katao o 299,344 pamilya ang naapektuhan ng mga nasabing bagyo. Sa mga naapektuhan, […]