• June 3, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Paggamit ng motorcycle shields simula na sa Hulyo 20

Simula sa Lunes, Hulyo 20 ay istrikto nang ipa­tutupad ng pamahalaan ang paggamit ng motorcycle shields upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

 

Matatandaang noong Hulyo 10 ay pinayagan na ang pag-aangkas ng mga mag-asawa sa motorsiklo ngunit dapat na may physical barriers pa rin sila upang malimitahan ang virus transmission.

 

Ayon kay Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, na siya ring vice chairman ng National Task Force against the pandemic (NTF), sa ngayon ay sinisita pa lamang at binabalaan ang mga magkakaangkas na wala pa ring barrier sa kanilang motorsiklo.

 

Gayunman, simula aniya sa Lunes ay uumpisahan na rin ng Joint Task Force (JTF)-SHIELD ang panghuhuli sa mga motorcycle riders na patuloy na lalabag at hindi pa rin gagamit ng barriers kung may angkas ito.

 

Sa ngayon aniya ay may dalawang motorcycle shields na aprubado na ng NTF COVID-19 kabilang ang dinisenyo ni Bohol Gov. Arthur Yap at ang iminungkahi naman ng Angkas.

 

Tiniyak naman ni Año na ang dalawang naturang disenyo ay pinag-aralan at kapwa ligtas na gamitin. (Daris Jose)

Other News
  • 82 iba pa nais sa Olympics

    NASA  83 national athletes ng 19 National Sports Associations (NSAs) , sa pangunguna ni 30th Southeast Asian Games PH 2019 Women’s Taekwondo gold medalist Pauline Louise Lopez ang mga sasabak sa mga Olympic Qualifying Tournament (OQT) sa pagnanais na makapag-32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan na inurong ng Hulyo 2021 sanhi Covid-19.   […]

  • PNP chief tiniyak ipagpapatuloy ang Duterte Legacy caravan

    DUMALO din si PNP Chief PGen. Dionardo Carlos sa Duterte Legacy Caravan sa People Power Monument sa Edsa Quezon City, kasabay ng pagdiriwang ng Araw ng paggawa kahapon.     Ang pagtitipon ay May temang “Pagkakaisa ng Mamamayan at Pamahalaan Tungo sa Pagbangon, Kapayapaan at Kaunlaran”.     Sa kanyang mensahe, nagbigay pugay si Gen. […]

  • Abangan ang Christmas Special ng ‘TikTalks’: Usapang totoo kasama sina KORINA, KAKAI, G3, PATP, at ALEX

    ITO na ang talk show na naiiba yata sa lahat – truly different from the rest.  “Well, we designed it that way – that it be different. Real talk. Real people representing different tribes. No holds barred. Kaya edit nalang kami nang edit, hahaha,” sabi ng mga co-producers na sina Korina Sanchez Roxas at Jojie […]