• April 25, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Paggamit ng vape sa indoor public places, papatawan ng multa na P5K-P20K

PAPATAWAN ng mabigat na parusa ang mga mahuhuling maninigarilyo ng vapes sa indoor public places kabilang na sa government offices, mga paaralan, paliparan at simbahan.

 

 

Sa inisyung department administrative order ng Department of Trade and Industry (DTI) na nagsasaad ng implementing rules and regulations (IRR) ng Republic Act No. 11900 o ang Vaporized Nicotine and Non-Nicotine Products Regulation Act.

 

 

Nakapaloob din dito na ang minimum allowable age na pinapahintulutang makabili, magbenta o gumamit ng vapes ay 18 years old.

 

 

Ayon sa datos mula sa Department of Educations na nasa 1.1 million mga mag-aaral ang nasa edad 18 hanggang 20 anyos para sa school year 2020-2021 at ito aniya ang bilang ng mga mag-aaral na maaaring payagan na makabili ng mapanganib na produkto sa ilalim ng vape law na nauna na ring ibinabala ng ahensiya na mapanganib sa kalusugan.

 

 

Ang mga first time offenders ay mumultahan ng P5,000 ahabang ang mga mahuhuling nag-vivape sa indoor public places na mahuhuli sa ikalawang pagkakataon ay mumultahan ng P10,000 at P20,000 para sa third offense.

 

 

Para naman sa mha lalabag na vape business entities o establishments ay kakanselahin ang kanilang business permits.

 

 

Ang mga establishments at retailers naman na magbebenta sa minors ay mumultahan ng P10,000 o pagkakakulong ng 30 araw o mas mababa depende sa discretion ng korte sa first offense.

 

 

Samantala, ang mga brick at mortar stores at online traders ay minamandato na magrehistro sa gobyerno para magbenta ng vape products.

 

 

Ang mga lalabag naman sa naturang requirements ay mumultahan ng P100,000 sa first offense at P200,000 sa second offense.

 

 

Sa third offense ay may penallty na P400,000 at revocation ng kanilang business permits.

 

 

Sa manufacturers, importers, distributors o retailers na mapatunayang lalabag sa requirements sa product packaging ay mumultahan ng P2 million hanggang P5 million, at pagkakakulong ng 2 hanggang 6 na taon. (Gene Adsuara)

Other News
  • Fajardo isasabong na sa Abril ni Austria sa SMB

    HINDI na pala dapat mag-aalala ang mga tagasunod ng Philippine Basketball Association (PBA) at ng San Miguel Beer.     Inalis na kamakalawa ni Leovino ‘Leo’ Austria ang pangamba ng mga fan hinggil sa pagbabalik na ni June Mar Fajardo sa 46th PBA 2021 Philippine Cup na magbubukas sa Abril matapos ang 36th PBA Draft […]

  • Wala si Vice Ganda kaya iniintriga ng mga netizens: SHARON, pinangunahan ang star-studded ‘2022 ABS-CBN Christmas Station ID’

    INILABAS na nga ang 2022 Christmas Station ID ng Kapamilya network na after two days may higit 1.5 views na kanilang Youtube channel.   “Tayo Ang Ligaya Ng Isa’t Isa” ang title ng Christmas song na isinulat ng creative director ng ABS-CBN Music na si Jonathan Manalo.     Napapanood na nga ang lyric video […]

  • AFTER nearly a year since wrapping filming, Dexter Fletcher has teased the release window for Chris Evans and Ana de Armas’ new movie, Ghosted.

    The upcoming Apple TV+ film marks the third major collaboration between Evans and de Armas, with the two first crossing paths in Rian Johnson’s Knives Out, starting off as reluctant allies before becoming adversaries, followed by the Russo brothers’ The Gray Man, in which they again played against one another in the globe-trotting action thriller. […]