Paggamit sa GSIS, SSS funds sa Maharlika pinalagan ng Senado
- Published on June 8, 2023
- by @peoplesbalita
PUMALAG ang parehong lider ng mayorya at minorya sa Senado sa naging pahayag ni Finance Secretary Benjamin Diokno na maaari pa ring gamitin ang pension funds ng SSS at GSIS para pondohan ang mga proyekto ng Maharlika Investment Corporation (MIC).
Ayon kay Senate Majority Leader Joel Villanueva, walang puwang ang anumang interpretasyon dahil malinaw namang nakasaad sa probisyon ang mahigpit na pagbabawal sa paggamit ng pondo ng ahensya ng gobyerno at mga GOCCs na nagkakaloob ng social security at public health insurance para sa Maharlika Investment Fund (MIF).
Nakasaad sa probisyon ng MIF Bill na ang mga pension funds sa ilalim ng SSS, GSIS, PhilHealth, PAGIBIG, OWWA at PVAO ay hindi kailanman maaaring gamitin na pampondo sa mga proyekto ng korporasyon, mandatory o voluntary man ito.
Tinukoy ni Villanueva na tatlong beses na binanggit sa inaprubahang MIF Bill ang prohibition sa paggamit ng pondo ng mga nasabing ahensya at tanggapan.
Tanong naman ni Senate Minority Leader Koko Pimentel, bakit ba masyadong interesado ang gobyerno sa paggamit ng pondo ng GSIS at SSS.
Giit ni Pimentel, “hands off” dapat ang pamahalaan sa paggamit sa pondo ng GSIS at SSS dahil ito ay private funds ng kanilang mga myembro.
Sinita pa ng senador ang tila ‘play of words’ ng gobyerno na umiiwas na gamitin ang mga salitang INITIAL CAPITAL, ADDITIONAL CAPITAL, AT BONDS at sa halip “SUBSCRIBE TO PROJECTS” ang gagamitin na sa madaling salita ay popondohan ang mga proyekto ng Maharlika Investment Fund Corporation. (Daris Jose)
-
Mga Bulakenyong magsasaka, makikinabang mula sa tatlong ‘solar-powered irrigation system’ ng DA-NIA
LUNGSOD NG MALOLOS – May 1,434 Bulakenyong magsasaka ang makikinabang mula sa nakumpletong tatlong solar pump irrigation na proyekto ng Department of Agriculture – National Irrigation Administration na inanunsyo sa ginanap na presentasyon ng Solar Irrigation Projects sa NIA Regional Office III sa Brgy. Tambubong, San Rafael, Bulacan noong Biyernes. Ang nasabing tatlong […]
-
Dahil punum-puno ang schedule this year: BEA, piniling mag-backout na lang sa first movie nila ni ALDEN
NAKALULUNGKOT dahil hindi na matutuloy ang pagtatambal nina Bea Alonzo at Alden Richards sa ‘A Special Memory’. Pinili nga ng aktres na mag-backout na lang sa dapat sana ay una nilang pagtatambal sa pelikula ni Alden Richards dahil punum-puno ang schedule niya this year. Sa official statement mula sa management ni Bea… […]
-
P15B sa Philhealth naglaho parang bula – Keith
Aaabot sa ₱15 billion ang ninakaw umano ng mga opisyal ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa ahensya gamit ang iba’t-ibang maanolmalyang paraan, ayon sa dating opisyal nito. Ayon sa nagbitiw na anti-fraud legal officer Thorrsson Montes Keith, naniniwala siyang ito ang halaga na ninakaw ng mga umano’y mafia sa ahensya. “Naniniwala po […]