Paghahanda para sa Palarong Pambansa 2025 sa Ilocos Norte, puspusan na
- Published on March 22, 2025
- by @peoplesbalita
PUSPUSAN na ang paghahanda para sa gaganaping Palarong Pambansa 2025 sa Ilocos Norte, ayon sa pahayag ng lalawigan nitong Huwebes.
Ibinida ni Ilocos Norte Governor Matthew Joseph Manotoc na handa na ang probinsya na magbigay ng isang hindi malilimutang karanasan para sa 15,000 na inaasahang kalahok kabilang ang mga atleta, coach, at mga opisyal.
Nakipag-ugnayan na rin ang pamahalaang panlalawigan sa Ilocos Norte Electric Cooperative (INEC) at PrimeWater upang matiyak ang tuloy-tuloy na serbisyo sa mga apektadong lugar habang ang Ilocos Norte Provincial Police Office ay nagdagdag ng mga tauhan para sa seguridad at nakapagbuo ng isang scheme para sa daloy ng trapiko.
Dagdag nito na halos lahat ng lugar ng kompetisyon at mga tutuluyan ay naihanda narin.
Ang Ilocos Norte Tourism Office naman ay nagsimula na ring maghanap ng mga residential house sa probinsya na maaaring gawing homestay para sa mga delegado kung saan may maayos na mga silid, tubig, kuryente, banyo, at kusina. Hinihintay na lang nila aniya ang barangay clearance.
Ang Palarong Pambansa 2025 ay gaganapin mula Mayo 24 at at matatapos ng Hunyo 2, 2025.
Sa kabilang banda mayroong 289 na akreditadong mga tourism service provider ang nasa probinsya.
Hinihikayat naman ni Gobernador Manotoc ang mga residente ng Ilocos na magbukas ng kanilang mga bahay upang maranasan ng mga bibisita sa lugar ang mainit na hospitality ng mga Ilocano.
Samantala, nagsagawa na rin ng mga detalyadong inspeksyon ng mga billeting centers ang engineering at sports development offices upang matiyak ang kaligtasan at ng mga atleta at iba pang delegado.
-
Pangako ni PBBM, itutuloy ang military modernization
ITUTULOY ng administrasyong Marcos ang pag-upgrade sa Armed Forces of the Philippines (AFP) sa gitna ng internal at external threats. “Rest assured to all the AFP and all the uniformed services that this administration remains committed to the modernization,” ayon kay Pangulong Marcos sa kanyang naging talumpati sa 87th Anniversary ng AFP sa […]
-
Fadol sinilat Italian, wagi rin kontra Qatari sa Doha
HUMATAW ng mga kambal na panalo sina Rose Jean Fadol at Jann Mari Nayre para sumungaw na sa 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan na inurong lang ng COVID-19 sa darating na July 23-August 8 ng taong ito. Ginulantang ni Fadol, 26, si Olympian Debora Vivarelli ng Italy, 11-6, 11-9, 11-9, […]
-
DI BAKUNADO, DI PUWEDE SA MALLS SA MAYNILA
IPAGBABAWAL na sa Maynila ang mga hindi bakunado laban sa COVID-19 na pumasok sa mga malls. Ito ay matapos ipag-utos ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso sa Bureau of Permits na abisuhan ang mga malls sa lungsod na huwag papasukin ang mga indibidwal na hindi bakunado kontra Covid-19. Sinabi ng alkalde na hndi makakapasok […]