Pagiging incompetent ng pamahalaan, pinalagan ng WHO rep
- Published on April 8, 2021
- by @peoplesbalita
PINALAGAN ni WHO Philippines Representative Dr Rabindra Abeyasinghe ang ulat na ang pagsirit ng bilang COVID-19 cases nitong Marso ay bunsod ng walang kakayahan ng pamahalaan na tugunan ito.
Giit ni Abeyasinghe na hindi lang ang Pilipinas ang nakararanas ng pagtaas ng kaso ng Covid 19 kundi maging ang ibang bansa ay nakararanas ngayon ng pagtaas ng infections, dahilan aniya para magpatupad din ang mga ito ng restriksyon.
“I would want to reiterate the fact that the Philippines is not unique in seeing an increase, and this increase is not attributed in any way to incompetence,” ani Abeyasinghe.
At nang tanungin naman si Abeyasinghe ni presidential spokesperson Harry Roque kung ang pagtaas ng kaso ng Covid 19 ay dahil sa pagpapakita ng “government incompetence” ay kaagad namang sumagot si Abeyasinghe ng “Of course, that does not take away from the fact that we need to continue to invest and works towards strengthening our preparedness and response capacities on the ground.”
Aniya, ang surge o pagdagsa ng bilang ng kaso ng covid 19 ay dahil sa nadagdagan ang transmissibility ng coronavirus dahil sa new variants, at pagiging pabaya na ng mga tao sa pagsunod sa health protocols, at “optimism of the arrival and gradual rollout of vaccines.”
Bilang tugon, kaagad namang isinailalim ng pamahalaan ang National Capital Region, Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal — o mas kilala bilang NCR Plus — sa enhanced community quarantine (ECQ), itinuturing na pinakamahigpit na uri ng lockdown, simula Marso 29 hanggang Abril 4 para limitahan ang galaw ng mga tao at makatulong na mapigilan ang paghawa ng coronavirus.
Hindi naman nagtagal ay pinalawig ito ng pamahalaan ng hanggang Abril 11.
“WHO has for many months been talking of the need for a coordinated response,” ang pahayag ni Abeyasinghe.
“Not just a response that is coordinated across member states or countries but also within countries, between different provincial, regional, district government authorities so that there are coordinated response activities that are conducted in a well-coordinated manner so that we can get on top of this increased transmission we are seeing now in the Philippines,” dagdag na pahayag nito. (Daris Jose)
-
KISSES, may plano na mag-join sa Miss World Philippines 2021
MAY plano pala si Kisses Delavin ng All-Access to Artists na mag-join sa Miss World Philippines 2021. Kaya naman excited ang kanyang mga fans and followers sa balitang ito. Alam kasi nilang bago pa nag-join si Kisses sa Pinoy Big Brother noon, beauty queen na siya sa kanilang province sa Masbate. Bagay […]
-
VP Leni Robredo, nanawagan sa mga supporters na igalang ang resulta ng halalan
HABANG patuloy na umaalagwa ang kalamangan ni Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa nagpapatuloy na bilangan sa katatapos lamang na halalan, nanawagan naman si Vice President Leni Robredo sa kanyang mga supporters na igalang ang kalalabasan o resulta ng halalan. “Alam kong mahal natin ang bansa pero hindi pwedeng maging ugat pa ng pagkakawatak-watak […]
-
Presyo ng ilang Noche Buena items, sumirit- DTI
NAGSIMULA nang sumirit ang ilang Noche Buena items bago pa ang Kapaskuhan. Dahil dito, pinag-aaralan na ng Department of Trade and Industry (DTI) kung magpapalabas pa sila ng price guide. Gayunman, may ilang manufacturers ang nagpalabas ng advisories kung saan ang presyo ng ham ay tumaas ng P40. “Kinakausap pa naman yung mga manufacturers para […]