Pagkalat ng ‘mutated’ COVID-19, pinipigil na ng DOH
- Published on February 22, 2021
- by @peoplesbalita
Nagsasagawa na ngayon ng aksyon ang Department of Health (DOH) sa Central Visayas para mapigilan at hindi na kumalat ang natuklasang dalawang ‘mutated’ na COVID-19.
“The DOH recognizes the potential public health implications of these reported mutations in samples from Region 7. The Center for Health Development (CHD) in Central Visayas has initiated measures to contain the transmission in the region and investigation to characterize the cases and areas of concern,” ayon sa pahayag ng DOH kahapon.
Magpapadala pa ng dagdag na samples ang DOH-Region 7 sa Philippine Genomic Center (PGC) para makakuha pa ng mga karagdagan rin na mga detalye ukol sa dalawang mutation na inisyal na binansagang E484K at N501Y.
“We would like to emphasize that our biosurveillance efforts extend beyond this enhanced response in Region 7 and is inclusive of all regions to give us better national and regional pictures of these mutations and variants,” ayon pa sa DOH.
Sinabi rin ni Health Secretary Francisco Duque III na masyado pang maaga na iugnay ang dalawang bagong diskubreng mutation sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Region 7. Sinabi ng kalihim na isang factor ang pagtaas ng mobility ng mga tao nang ilagay ang rehiyon sa ‘modified general community quarantine’.
“Yan sa tingin ko ang posibleng dahilan pero pwedeng hindi lang siya ang dahilan, posibleng marami ring dahilan kaya kailangan ng mas malalimang pagsusuri para malaman natin kung ang pagtaas na ito ay dahil sa isang factor or pangalawang factor or combination ng factors,” pahayag pa ni Duque.
Ipinaliwanag ng DOH na natural na nagkakaroon ng mutation ang mga viruses, maging kapag nasa loob na ng katawan ng tao. Iba’t iba rin ang epekto ng mga mutation kung saan maaaring hindi naman nakasasama. (Daris Jose)
-
Ardina, Guce babalik-palo sa 16th SymetraTour 2021
KAPWA balik-kayod sa 16th Symetra Tour 2021 sina Dottie Ardina at Clarissmon Guce sa paghampas sa 16th Symetra Tour 2021 fourth leg $200K 1st Copper Rock Championship sa Copper Rock Golf Course sa Hurricane, Utah sa Abril 23-25. Galing lang ang edad 27, 5-2 ang taas, isinilang sa Canlubang, Laguna at pitong taong […]
-
Matagal na pinag-isipan at umabot ng isang taon: LIZA, nagsampa ng 78 counts ng cyber libel case laban sa Pep.ph
NAGSAMPA na kahapon, May 24 ng 78 counts ng cyber libel case si former FDCP chairperson Liza Diño-Seguerra laban sa entertainment website na Pep.ph at mga taong involved tungkol sa paglabas ng serye ng malicious articles noong 2023. Sa nilabas na statement ng actress at asawa ni OPM Icon Ice Seguerra… “In May of last year, I was ambushed […]
-
Hihigpit ang Presidential race kapag kumampi kay Robredo ang undecided voters
HIHIGPIT ang karera sa pagkapangulo kapag pumanig ang tinatawag na “undecided” na mga botante kay Vice President Leni Robredo sa darating na halalan sa Mayo, giit ng isang political analyst. Ayon kay Froilan Calilung, na nagtuturo ng political science sa University of Santo Tomas, malaki ang epekto ng undecided voters sa resulta ng […]