Pagkatapos na ipagluksa ang kanilang lolo: ALDEN, babalik na sa hosting at kaabang-abang ang next projects
- Published on January 27, 2025
- by Peoples Balita
INAMIN ni Kapuso actor Alden Richards na medyo naging inactive siya sa social media nitong mga nakaraang linggo.
Ayon pa sa aktor ay kinailangan daw niyang magpahinga pansamantala dahil sa pagpanaw ng kanyang grandfather kamakailan lamang.Pero ngayon daw ay okey na raw siya at nakatakda na siyang magbalik na ang aktor sa ‘All-Out Sundays’ simula ngayong Feb. 9.Hindi naman itinanggi ni Alden na talagang nasa katawan na niya talaga at hinahanap-hanap na rin niya ang pagho-host para sa mga tagahanga niya.Super aktibo naman si Alden sa mga kaliwa’t-kanang acting projects noong isang taon.“Babalik tayo as like the way we used to do before, host and prods din as well. Nakaka-miss din, excited ako. See you mga Kapuso,” banggit pa niya.Samantala, walang dudang si Alden pa rin ang Box Office King dahil kumita nang husto ang pelikula nila ni Kathryn Bernardo na ‘Hello, Love, Again’.Pagdating naman sa telebisyon ay nagtapos na rin ang seryeng ‘Pulang Araw’.Kung ano ang kasunod abangan na lang daw nating lahat.***MARAMI ang natutuwa dahil naka-move on na ang kasalukuyang bise gobernador ng Batangas na si Mark Leviste sa pagkaka-link kay Kris Aquino.Sa ngayon kasi ay sa isang Sparkle artist na si Aira Lopez nali-link si VG Mark.Nag-hard launch na ng kanilang relasyon ang dalawa matapos i-post ni Aira ang video nila sa TikTok kung saan napa-oo siya ng bise gobernador.Sa caption niya ay sinabi niyang sineselebreyt nila ang espesyal na araw na una silang dinner together bilang magkarelasyon.Makikita sa video na si VG Mark pa talaga ang nag-record sa kanyang sarili mula pagkatok nito sa pinto ni Aira na may dalang bulaklak.May pa-bulaklak nga rin sa kanya si Aira. Ang cute na parang super teen ager pa ang dalawa.Idinaan pa ni VG Mark sa dessert nila ang pagtanong nito ng “Will you be my girlfriend?” at napa-yes naman agad ang sparkle star, huh!Sa mga nag-comment ay walang nag-nega sa relasyon nila ha at puro positibo ang komento sa pinost nitong video.And so…Nagpasalamat naman si Aira kay VG Mark sa pagpuno nito ng saya sa puso niya.At sa kabila ng 20-year age gap nila ay meron itong bright outlook sa buhay, compassion at genuine commitment kung saan binigay nito sa kanya ang pagmamahal na hindi pa niya naranasan.“Age doesn’t define us; happiness does, and I pray for God’s blessings as we journey forward together,” sey pa ng Sparkle star.(JIMI C. ESCALA)
-
Na-bash dahil nakunang kumakanta sa harap ng altar: JULIE ANNE, personal nang nag-sorry at nangakong hindi na mauulit
AGAD na nag-viral ang video ni Julie Anne San Jose habang kinakanta ang “Dancing Queen” ng ABBA sa harapan ng altar ng isang simbahan. Nangyari ito noong October 6, kung saan isa siya sa mga nag-perform para sa “benefit concert” na ginanap sa Nuestra Señora Del Pilar Shrine sa Mamburao, Occidental Mindoro. […]
-
SANYA, maagang ‘nagpainit’ sa sexy bikini photos na pinost
AFTER ng tatlong lock-in taping ng top-rating GMA Primetime romantic comedy series na First Yaya, topbilled by Gabby Concepcion and Sanya Lopez, nagkaroon muna sila ng break. Bale pahinga ng cast at production staff, kaya naman inimbita ni Gabby ang mga kasama niya sa kanyang beach resort sa Batangas. ‘Nagpainit’ si […]
-
Bulacan inaugurates new youth rehabilitation center
CITY OF MALOLOS – To guide the children in conflict with the law (CICL) towards a better future, the Provincial Government of Bulacan headed by Governor Daniel R. Fernando together with the Provincial Social Welfare and Development Office inaugurated the new Tanglaw ng Pag-asa Youth Rehabilitation Center (TPYRC) located at Brgy. Bulihan in this city […]