Pagkumpiska ng driver’s license sa Metro Manila, suspendido muna
- Published on December 12, 2022
- by @peoplesbalita
PANSAMANTALA munang suspendido ang pagkumpiska ng driver’s license sa National Capital Region (NCR) habang binubuo pa ang ipinapanukalang single ticketing system sa rehiyon.
Ito umano ang napagkasunduan ng 17 mayors ng Metro Manila kasunod na rin ng kahilingan ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin ‘Benhur’ Abalos Jr. na magpatupad muna ng moratorium sa pagkumpiska ng driver’s license sa NCR.
Ang moratorium ay magiging epektibo hangga’t binubuo pa ng 17 local government units (LGUs) sa NCR, Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Land Transportation Office (LTO) ang mga guidelines para sa interconnectivity program na gagamitin sa single ticketing system.
“Humingi ako ng tulong sa mga kasama sa MMDA at sa mga mayors, baka naman habang pinag-uusapan, na mag-moratorium, walang kumpiskahan ng lisensya habang binubuo ang interconnectivity program, at ako pinayagan nila,” ayon kay Abalos, sa press briefing na ginanap sa bagong headquarters ng MMDA sa Pasig City kahapon.
Ani Abalos, na nagsilbi rin bilang chairman ng MMDA noong panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, ang mga city at municipal councils sa Metro Manila ay magpapasa ng mga ordinansa na nagmamandato sa suspensiyon sa pagkumpiska ng driver’s license sa mga susunod na araw.
-
DILG, pinayuhan ang LGUs na maglunsad ng barangay anti-dengue campaign
PINAYUHAN ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang local government units (LGUs) na buhayin ang kanilang barangay inter-agency campaign laban sa dengue bunsod na rin ng pagtaas ng kaso nito. Sa isang kalatas, sinabi ni DILG Secretary Benhur Abalos na ang Aksyon Barangay Kontra Dengue (ABKD) ay itinatag simula pa […]
-
LOOKOUT BULLETIN, INISIYU KAY MICHAEL YANG AT 8 IBA PA
INILAGAY ng Bureau of Immigration (BI) sa lookout bulletin si dating presidential adviser on economic affairs Michael Yang. Si Michael Yang, o kilalang Yang Hong Ming, ay kabilang sa iniimbestigahan ngayon sa Senado dahil sa maanomalyang pagbili ng mga health supplies nitong pandemic. Sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente na ang […]
-
‘Late submission’: Ilang COVID-19 testing laboratories, sinuspinde – DOH
Isang laboratoryo na humahawak ng COVID-19 testing ang sinuspinde ng Department of Health (DOH) dahil sa patuloy umano nitong paglabag sa mandato na mag-submit ng mga datos sa itinakdang deadline ng ahensya. Hindi pinangalanan ng ahensya ang pasilidad, pero sinabi ni Health Usec. Maria Rosario Vergeire na isa sa malalaking laboratoryo ang napatawan ng […]