Paglaban sa Duterte 2022 pres’l candidate, magiging pahirapan – oposisyon
- Published on June 7, 2021
- by @peoplesbalita
Inamin ng panig ng oposisyon partikular ng kampo ni Vice President Leni Robredo na magiging mahirap na kalaban sa 2022 national elections ang ieendorsong presidential candidate ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ay sa kabila umano ng tinatanggap na kritisismo ng Duterte administration sa pagtugon nito sa COVID-19 pandemic.
Sinabi ni Office of the Vice President (OVP) spokesperson Barry Gutierrez, hindi maitatanggi ang tinatamasang popularidad ni Pangulong Duterte, dagdag pa ang kanyang malakas na social media presence.
Ayon kay Gutierrez, malinaw na isang “uphill battle” o pahirapan ang paglaban sa isang popular na presidente batay sa mga survey kaya kailangan ng malaking resources at malawak na social media machinery.
Inihayag ni Gutierrez na magiging mahirap ang kampanya para kay VP Robredo sakaling magdesisyon itong tumakbo sa pagka-presidente dahil nasanay ito sa face-to-face interactions.
Sa ngayon habang hindi pa naaabot ang target na herd immunity mula sa COVID-19 pandemic, hindi pa umano masasabi kung ano ang magiging itsura ng pangangampanya.
Kung wala daw personal na pakikipagharap at pakikihalubilo sa publiko dahil sa COVID-19, posibleng malaking factor dito ang social media at bentahe raw ito ng administrasyon.
Sa kabila nito, naniniwala pa rin si Gutierrez na gaano man kahirap ang laban, makakakaya naman daw maipanalo. (Daris Jose)
-
Diaz focus muna sa gold sa 2024 Paris Olympics
PANSAMANTALANG isasantabi ni Tokyo Olympic Games gold medalist Hidilyn Diaz ang pagbuo ng pamilya kasama ang fiance na si coach Julius Naranjo. Sasabak pa kasi ang tubong Zamboanga City lady weightlifter sa 2024 Olympics sa Paris, France kung saan hangad niya ang ikalawang sunod na Olympic gold. “Yes, we’re planning to […]
-
Men’s National football coach nakatutok sa pagpapalakas ng mga manlalaro para sa mga nakatakdang torneo
Nakatuon ang atensiyon ni Philippine Men’s National Football Team coach Albert Capellas sa pagbuo ng mas maliksing ng mga manlalaro ng bansa. Sa mahigit na dalawang linggo bilang bagong head coach ay pinag-aaralan niya ang mga posibleng pagkakaroon ng pagdagdag ng mga manlalaro. Tuloy-tuloy din ang ginagawa nilang pag-ensayo ganun din […]
-
Interes ng Pilipinas, prioridad, kahit kakatawan din si Pangulong Marcos para sa Asya
TINIYAK ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na bitbit niya ang interes ng Pilipinas, kahit magsisilbi siyang kinatawan ng Asian countries sa pagdalo sa Brussels, Belgium. Idaraos kasi doon ang Association of Southeast Asian Nation-European Union (ASEAN-EU) Commemorative Summit mula December 12-14, 2022. Ganap na alas-8:00 ng gabi nang tumulak ang pangulo, […]