• September 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Paglalagay ng DA ng suggested retail price (SRP) sa sibuyas, suportado ni Speaker Martin Romualdez

SUPORTADO ni Speaker Martin Romualdez ang paglalagay ng Department of Agriculture (DA) ng suggested retail price (SRP) sa sibuyas upang maprotektahan ang mga konsyumer laban sa mga abusadong negosyante na nagmamanipula sa presyo ng mga bilihin.

 

 

Una nang inihayag ng DA na sa loob ng linggong ito ipatutupad ang SRP na P150 per kilo para sa pulang sibuyas at P140 per kilo naman para sa puting sibuyas.

 

 

Tiniyak pa ng ahensiya na papatawan ng kaukulang kaso ang sinumang mabibigong sumunod sa kautusang ito ng ahensiya.

 

 

Ayon kay Romualdez, sa pagpapatupad ng SRP para sa sibuyas ay tiyak na mapoprotektahan nito ang mga mamimili laban sa mga di makatarungang pagtataas ng halaga ng mga pangunahing bilihin.

 

 

Kasabay na rin sa pagpapatupad ng SRP, sinabi ng speaker na dapat siguruhing maisasaalang alang ang interes ng mga stakeholders gaya ng mga traders, market vendors, partikular na ang mga onion farmers ng bansa.

 

 

Naniniwala pa si Romualdez na hindi lamang pagpapatupad ng SRP ang solusyon sa problema sa price fluctuations ng sibuyas kundi masawata ang malawakang onion cartel sa bansa.

 

 

Una nito, umapela ang speaker sa National Bureau of Investigation, Philippine Competition Commission, at DA na magtulungan para makakuha ng matibay na ebidensiya at makasuhan ang mga kartel.

 

 

“Putting members of this cartel behind bars will send the unmistakable message that the government will not tolerate any unfair trade practices that prey on the hapless consumer and farmers,” dagdag ni Romualdez.

 

 

Nanawagan din ito ng tulong mula sa kaukulang gobyerno para sa mga magsasaka lalo na yaong nagtatanim ng sibuyas upang ma-engganyo ang mga ito na magdagdag sa produksyon para masiguro ang sapat na suplay.

 

 

Halimbawa aniya, ang pagbibigay tulong ng DA na pataba at pagtatayo ng karagdagang mga cold storage facilities.

 

 

Matatandaan na umabot pa sa P700 kada kilo ang presyo ng sibuyas noong Disyembre ng nakaraang taon. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

Other News
  • COVID-19 cases sa bansa higit 507,000 na habang patay nasa 10,116

    Nadagdagan pa ng 1,783 ang bagong hawa ng coronavirus disease sa Pilipinas, bagay na nagtutulak sa kabuuang infections sa 507,717, ayon sa Department of Health.     Kasalukuyan namang nagpapagaling pa ang nasa 30,126 na tinamaan ng COVID-19 na siyang bumubuo sa “active cases.”     Kamamatay lang ng 74 pang kaso, kung kaya’t umabot […]

  • P470 taas sahod sa NCR, iminumungkahi

    HUMIRIT na ang Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) ng P470 taas-sahod o P1,007 daily minimum wage sa National Capital Region (NCR).     Ito’y kasunod ng inihaing petisyon ng hanay ng mga manggagawa sa Regional Tripartite Wa­ges and Productivity Board (RTWPB)-NCR Office bunsod ng lingguhang taas sa presyo ng produktong petrolyo at pangunahing […]

  • Inspection ng OFW hospital, pangungunahan ni Pangulong Duterte : Operasyon, sisimulan ngayon

    INANUNSYO ngayon ng Department of Labor and Employment (DOLE) na magbubukas na ang Overseas Filipino Workers (OFW) Hospital ngayong Lunes, Mayo 2.     Sa isang statement, sinabi ng DOLE na ang OFW Hospital na itinayo sa San Fernando City, Pampanga ay magbibigay ng medical care at health services sa mga OFWs at ng kanilang […]