• March 19, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Paglipat ng pondo ng Philhealth sa National Treasury, pinigil ng Korte Suprema

PINIGILAN ng Korte Suprema ang paglilipat ng pondo ng Philippine Health Insurance Corporation o Philhealth sa pamamagitan ng paglalabas ng temporary restraining order (TRO).

 

 

Naglabas ng temporary restraining order kahapon (TRO)ng Korte Suprema laban sa karagdagan pang paglilipat ng P89.90 bil­yon pondo ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa National Treasury.

 

 

Sinabi ni Supreme Court spokesperson Atty. Camille Ting, na pinagbigyan ng Mataas na Hukuman ang kahilingan sa tatlong petisyon na inihain ng 1Sambayan, Sen. Aquilino “Koko” Pimentel, at ng Bayan Muna.

 

 

Nakasaad sa TRO ang “effective ­immediately” na nag-uutos na hindi na masundan pa ang paglilipat ng pondo.

 

 

Ipinaliwanag ni Ting na saklaw lamang ng TRO ang pagpigil sa paglilipat ng pondo ng PhilHealth na hindi pa naililipat, suba­lit ang nauna nang nailipat sa National ­Treasury ay hindi naman ipi­nababalik sa PhilHealth.

 

 

Bago ang pagpapalabas ng TRO, ang PhilHealth ay nagsagawa ng tatlo sa apat na nakatakdang paglilipat sa National Treasury.

 

 

Ayon sa tagapagsalita ng SC na si Atty. Camille Sue Mae Ting, ang naturang TRO ay epektibo kaagad matapos na paburan ng korte ang prayers o kahilingan ng tatlong petitioner.

 

 

Kung maaalala, nailipat na ang aabot sa P20 billion na pondo noong May 10 at karagdagang P10 billion noong August 21, 2024.

 

 

Nailipat na rin ang ikatlong tranche nagyong buwan na nagkakahala nang aabot sa P30-B.

 

 

Paliwanag pa ni Atty. Ting , hindi na maibabalik sa Philhealth ang pondo nito na una nang nailipat sa National Treasury dahil hindi na ito sakop ng TRO. (Daris Jose)

Other News
  • Djokovic nangangambang hindi makapaglaro sa French Open matapos na maghigpit ang France

    NANGANGAMBANG posibleng hindi rin makapaglaro si Novak Djokovic sa French Open sa buwan ng Mayo dahil sa ipapatupad na paghihigpit para hindi na kumalat ang COVID-19.     Nagpasa kasi ang France ng vaccine pass law na aprubado ng parliyamento kung saan dapat ang mga tao ay magpakita ng certificate of vaccination kapag magtutungo sa […]

  • Mas maraming pondo mula ‘22 budget ang magamit para sa ‘Odette’ rehab, utos ng pamahalaan

    NAIS ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na mas maraming pondo mula sa panukalang national budget para sa 2022 ang magamit para sa “response and recovery efforts” sa mga lugar na hinagupit ni bagyong Odette.   Binanggit ng Pangulo ang hangarin niyang ito nang personal niyang bisitahin ang mga typhoon-affected areas sa Cebu at Bohol, araw […]

  • Pacquiao itinuturing na biggest challenge si Spence

    Aminado si eight-division world champion Manny Pacquiao na pina­kamalaking pagsubok sa kanyang boxing career ang makasagupa si Errol Spence Jr.     Ayon kay Pacquiao, hindi birong kalaban ang katulad ni Spence.     Una, wala pa itong talo.     Ikalawa, hawak nito ang dalawang titulo — ang World Boxing Council (WBC) at Intrenational […]