• February 10, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagluluwag sa NCR, magdadala ng maraming trabaho — BBM

Umaasa si Presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., na muling manunumbalik ang sigla ng ekonomiya at maglilikha ng maraming trabaho ang paglalagay ng pamahalaan sa mas maluwag na Alert Level 2 status sa Metro Manila.

 

 

Sa pahayag, sinabi ni Marcos na ito ang nauna na rin nilang panawagan na buksan na ang mga negosyo para makabawi at muling sumigla ang ekonomiya ng bansa.

 

 

“Nagpapasalamat po tayo sa pamahalaan sa mas maluwag na alert level status, dahil nakasisiguro tayo na mas marami itong make-create na trabaho at muli nang makakabawi ang ating ekonomiya,” pahayag ni Marcos.

 

 

Matatandaan na pumalo na sa 8.9 percent ang unemployment rate sa bansa nitong Setyembre 2021, at ito ang itinuturing na  pinakamataas ngayong taon.

 

 

“Umaasa tayo na marami pang negosyo ang magbubukas dahil sa maluwag na alert status at mas marami ang lumalabas na tao para tangkilikin ang mga negosyo,” dagdag ni Marcos

 

 

Kasabay nito, nanawagan naman si Marcos sa publiko na tuluy-tuloy pa rin ang pagsunod sa mga health protocols sa kabila nang pagluluwag ng alert status sa bansa.

 

 

Ayon sa kanya, hindi rin dapat magpakampante ang publiko kahit na patuloy na bumababa ang mga bilang ng tinatamaan ng Covid-19.

 

 

Nanawagan din si Marcos na patuloy pang palakasin ng pamahalaan ang pagpapabakuna sa publiko dahil ito ang pinakamabisang sandata para mapuksa ang virus.

Other News
  • Pagbabawal sa paghalik sa religious statues at pagpapako sa krus sa Holy week, inirekomenda ng DOH

    PINAYUHAN ng Department of Health (DOH) ang mga simbahan maging ang publiko na kung maaari ay ipagbawal muna ang paghalik sa mga religious statues at pagpapapako sa krus para maiwasan ang hawaan ng sakit.     Ito ay may kinalaman sa nalalapit na paggunita ng Holy Week mula Abril 10 hanggang Abril 16 ngayong taon. […]

  • Top 5 at 7 most wanted person ng NPD, nabitag sa Caloocan at Valenzuela

    LAGLAG sa kamay ng mga awtoridad ang Top 5 at 7 Most Wanted Person ng Northern Police District (NPD) matapos malambat sa magkahiwalay na manhunt operations Caloocan at Valenzuela Cities.     Ipinag-utos ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang pagpapaigting sa pagtugis kay alyas “Boy Manyak” upang mabigyang katarungan ang sinapit ng dalagitang […]

  • Car seats para sa mga bata ipapatupad

    Sinimulan kahapon ng Land Transportation Office (LTO) ang pagpapatupad ng restraining car seats para sa mga batang may edad 12 pababa sa mga pribadong sasakyan sa ilalim ng Republic Act 11229 o ang tinatawag na Child Safety in Motor Vehicles Act.     Sa ilalim ng Child Car Seat Law na nilagdaan ni President Duterte […]