• December 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PAGPA-FILE NG MGA KANDIDATO, LIMITAHAN ANG ISASAMA

PINALILIMITAHAN ng Commission on Election (Comelec) ang mga isasama ng mga kandidato kung maghahain ito ng kanilang kandidatura o certificate of candidacy  para sa 2022 national at local elections.

 

 

Ito ay upang mapanatili ang kaligtasan ng bawat isa sa gitna ng  pandemya dulot ng  (COVID-19) .

 

 

“We are reminding those that will be filing their COCs to limit the number of people who you will take with you,” ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez .

 

 

Umapela rin si Jimenez sa mga personalidad na huwag nang pumunta at hayaan na lamang ang kandidato .

 

 

Sinabi ni Jimenez na ang kaligtasan sa aktibidad   ay isang pagbabahagi ng responsibilidad, at hindi lamang ng Comelec.

 

 

“I would like to point out that keeping people safe is not exclusively the Comelec’s problem. It is everyone’s problem,” pahayag ni Jimenez

 

 

“The responsibility is with them also to act safely,” dagdapg pa ng Comelec spox.

 

 

Gayunman , tiniyak ng opisyal naagpapatupad ng extra precautions upang maiwasan ang paglabag  sa kanilang mga guidelines.

 

 

Aniya maglalagay sila ng karagdagang mga tao at personnel sa mga chokepoints.

 

 

Sa Oktubre 1 hanggang 8 qng itinakdang paghahain ng COC para sa darating na halalan kung saan maaring gawin ang aktibidad sa ibat-ibang venue upang mapanatili ang physical distancing .

 

 

Dati aniya ang aktibidad ay ginaganap sa Palacio del Gobernador Building sa Intramuros, Maynila kung saan ang mga kandidato para sa pangulo, bise-presidente, senador, at partylist ay karaniwang naghahain ng kanilang mga COC. GENE ADSUARA

Other News
  • ARTA chief, susundin ang suspension order

    SUSUNDIN ni Anti-Red Tape Authority (ARTA) Director General Jeremiah Belgica ang suspension order na ipinalabas ng Office of the Ombudsman sa gitna ng graft complaints laban sa kanya at sa apat na opisyal ng ARTA na isinampa ng telecommunication company.     Ipinag-utos ng Office of the Ombudsman ang anim na buwang preventive suspension laban […]

  • Tulong Puso Group Livelihood Program, inilunsad ng OWWA

    INILUNSAD  ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang Tulong Puso Group Livelihood Program para matulungang makapagsimulang muli ang mga Overseas Filipino Workers na nawalan ng hanapbuhay dahil sa Covid- 19 pandemic.   Sa Laging Handa Public Press Briefing sinabi ni OWWA Administrator Hans Leo Cacdac na ang nasabing programa ay magkakaloob ng P150,000 – P1 million […]

  • Ayaw makisawsaw sa gulo sa Myanmar

    WALANG balak makisawsaw ang gobyerno ng Pilipinas sa nagaganap na kaguluhan sa gobyerno ng Myanmar.   Ito ang tugon ni Presidential Spokesperson Harry Roque, makaraang magkasa ng kudeta ang militar laban kay Myanmar State Council Aung San Suu Kyi at ilan pang matataas na opisyal dahil sa “election fraud” o dayaan sa eleksyon.   Ani […]