Pagpahintulot ng DFA na gamitin ang Sinovax vaccine sa Senior citizen, suportado ng PGH chaplain
- Published on April 10, 2021
- by @peoplesbalita
Sang-ayon si Jesuit Priest Rev. Fr. Marlito Ocon, head chaplain ng Philippine General Hospital sa desisyon ng Food and Drug Administration na pahintulutan na ang mga Senior Citizens na makatanggap ng Sinovac vaccine laban sa coronavirus disease.
Ito’y bunsod ng kakulangan ng supply ng AstraZeneca vaccine na mas epektibo ng 85 porsyento, kumpara sa Sinovac vaccine na epektibo lamang ng 50-poryento sa mga may edad 65 pataas.
Ayon kay Fr. Ocon, malaking bagay at mas makabubuti ito para sa mga nakatatanda kasabay ng patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa na nagdudulot ng labis na pangamba sa mga tao.
“As long as aprubado naman ng mga health experts, kahit sabihin mong hindi siya kasing effective ng ibang brand, para sa akin maigi na rin yung mayroon ka talaga ding depensa kaysa wala,” bahagi ng pahayag ni Fr. Ocon sa panayam ng Radio Veritas.
Paliwanag ng Department of Health na bago bakunahan ang mga senior citizens ay isasailalim muna ang mga ito sa pagsusuri upang matiyak na maaari silang makatanggap ng COVID-19 vaccine.
Samantala, hinihimok naman ng pari ang publiko na alisin na rin ang pangamba hinggil sa Sinovac vaccine bagamat ito’y likha mula sa China.
Sa halip, ayon kay Fr. Ocon ay magtiwala lamang sa magiging positibong epekto nito sa katawan ng tao na makatutulong sa pag-iwas at patuloy na paglaganap ng virus.
“Alam naman natin kung saan nanggaling ‘yung takot at pagdududa ng mga tao dahil ‘yung bakuna ay galing sa China. Pero sa panahon ngayon, siguro kailangan na rin nating magtiwala sa mga taong gumawa ng pagsusuri at pananaliksik tungkol sa bakuna,” ayon kay Fr. Ocon.
Ipinayo ng pari na patuloy lamang sundin ang minimum health protocols tulad ng pagsusuot ng facemask at face shield maging ang paggamit ng alcohol upang makaiwas na mahawaan ng virus.
Gayundin ang pananalangin sa Panginoon na nawa’y ipag-adya ang lahat sa panganib at tuluyan nang malunasan ang pandemyang lubos nang nagpapahirap sa marami.
-
CHR: ‘Wag magpakalat ng maling impormasyon
NANAWAGAN ang Commission on Human Rights sa publiko na huwag magpakalat ng maling impormasyon. Ginawa ng CHR ang pahayag makaraang lumabas ang sagot ng isang netizen laban sa umano’y mapanlinlang na post ng isang komedyante noong 2017. Nabatid na kumalat sa social media ang isang post na nagtatampok sa pahayag ng komedyanteng si […]
-
SUNOG SUMIKLAB SA SCHOOL, BOTOHAN, NAANTALA
PANSAMANTALANG naantala ang botohan sa isang eskuwelahan matapos sumiklab ang sunog sa Malate, Maynila kaninang umaga . Ayon sa Bureau of Fire Protection – National Capital Region, nangyari ang sunog sa Aurora Elementary School sa Malate, Maynila. Dakong alas-8:52 ng umaga nang sumiklab ang sunog at idineklarang fire out ganap na […]
-
DepEd, pinag-aaralan na suriin ang revised K-10 curriculum rollout para sa SY 2024-2025
LAYON ng Department of Education (DepEd) na i-roll out ang updated Kinder to Grade 10 (K-10) curriculum para sa school year (SY) 2024-2025 Sinabi ni DepEd spokesperson Michael Poa na ang target rollout date ay consistent sa commitment ng DepEd na makakuha at makonsidera ang lahat ng public comments para ma-fine-tune ang K-10 […]