PAGPAPABAKUNA SA MAYNILA, TIGIL MUNA
- Published on July 2, 2021
- by @peoplesbalita
KINUMPIRMA ni Cesar Chavez, Chief of Staff ni Domagoso na tulad sa Taguig City ay hinihintay din ng City of Manila ang Certificate of Analysis na ilalabas ng Department of Health mula sa manufacturer ng bakuna upang muling makapagpatuloy pagbabakuna sa lungsod.
Nito lamang June 24 ay dumating ang 400,000 doses ng Sinovac mula sa China ngunit pansamantalang nasuspindi ang vaccination dahil sa kakulangan pa ng dokumento para pagpapatuloy ng bakunahan.
Huling mass vaccination sa Maynila ay noong June 26 at hanggan ngayon ay wala pang bagong iskedyul ng bakunahan sa mga vaccination sites.
Agad naman umanong sismulan muli ang pagbabakuna sa sandaling mairelease na ng DOH ang COA ng Sinovac.
Samantala,wala ring isasagawa na second dose vaccination para sa mga indibidwal na una nang nabakunahan gamit ang Sputnik V vaccine dahil wala pang suplay mula sa pambansang gobyerno.
Umabot na sa 440,155 indibidwal ang nakatanggao na ng kanilang first dose ng bakuna laban sa COVID-19.
Habang nasa 158,260 naman ang fully vaccinated o mga nakakumpleto na ng kanilang bakuna.
Ang bilang na ito ayon sa Manila Public Information Office ay mula sa bilang ng nakatanggap na ng first dose.
Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno Domagoso, kabilang sa mga naturokan ang mga health workers, senior citizens, persons with comorbidities, essential workers at indigent persons o mga kabilang sa priority groups na A1 hanggang A5.
Patuloy naman aniya ang pagbabakuna sa Maynila upang maabor ng target na population protection. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)