• September 15, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagpapalabas ng P25.16-B para sa 8.4M indigents’ health insurance, aprubado ng DBM

MAKATATANGGAP ang Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) ng  P25.16 billion para sa  one-year health insurance premiums  ng mahigit sa 8 milyong Filipino indigents.

 

 

Ito’y matapos na magbigay ng “go signal” si Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah F. Pangandaman  na ipalabas ang P25,157,547,000 para sa insurance premiums ng 8,385,849 kuwalipikadong indigents na naka-enroll sa  PhilHealth.

 

 

Nauna rito, inaprubahan ng Kalihim ang  Special Allotment Release Order (SARO).

 

 

Sinabi ng DBM  na ang inaprubahang pondo ay huhugutin mula sa authorized allotments sa  2023 General Appropriations Act.

 

 

Tinuran ni Pangandaman na ang pagpapalabas ng pondo ay bahagi ng pagsisikap ng administrasyong Marcos na magbigay ng “affordable health care” para sa lahat ng mga Filipino.

 

 

“President Ferdinand R. Marcos Jr. mandated his Cabinet to ensure that Filipinos are provided with affordable health care,” ayon sa Kalihim.

 

 

“Pinamulat sa atin ng pandemya ang kahalagahan ng mas matatag na health care system, kaya’t pinagsisikapan po natin na ilapit ito sa ating mga kababayan, lalong-lalo na po sa mga higit na nangangailangan ,” dagdag na wika nito.

 

 

May mandato naman ang  state insurer na pangasiwaan ang National Health Insurance Program, naglalayong magbigay ng  health insurance coverage at tiyakin  ang “affordable, acceptable, available, at accessible health care services” para sa lahat ng mga Filipino. (Daris Jose)

Other News
  • Star-studded ang premiere night ng movie: ALDEN at JULIA, napakahusay at kakaiba ang pagganap

    STAR-STUDDED ang naging premiere night ng pelikulang ‘Five Breakups and a Romance’ na ginanap sa SM Megamall noong Martes ng gabi.   Ibang klase ang ipinakitang suporta ng mga kapatid ni Julia Montes sa Cornerstone Entertainment at maging ang ‘FPJ’s Ang Probinsyano’ pa na kunsaan, naging bahagi rin si Julia.   At siyempre, ang mga […]

  • Next na Valdez, Santiago hahagilapin ng PNVFI

    BUBUHAYIN ni Philippine National Volleyball Federation Inc. (PNVFI) President Ramon ‘Tats’ Suzara ang age-group indoor volleyball upang makatuklas ng mga susunod sa kasalukuyang mga sikat na balibolista.  Ilan sa mga ito ang kagaya nina Premier Volleyball League (PVL) standout Alyssa Valdez, mag-ate na sina Philippine SuperLiga (PSL) veterans Alyja Daphne ‘Jaja’ Santiago at Aleona Denise […]

  • Tsunami dahil sa pagsabog ng bulkan sa Tonga naramdaman sa Japan at California

    NARAMDAMAN ang pagtaas ng tubig sa karagatan ng Japan at California dulot ng bahagyang tsumani dahil sa pagputok ng underwater volcano sa Tonga.     Unang pumutok ang Hunga-Tonga-Hunga-Ha’apai volcano na matatagpuan sa Fonafo’ou island sa Tonga noong Biyernes na sinunda nitong Sabado.     Nagpakawala ng makapal na abo, gas at kumukulong usok na […]