• April 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagpapaliban ng barangay, SK elections, niratipikahan

NIRATIPIKAHAN na ng Kamara ang bicameral conference committee report kaugnay sa pagpapaliban ng barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections, na nakatakdang gawin ngayong Disyembre.

 

 

Sa inaprubahang bersyon ng Bicam ay sa huling Lunes ng Oktubre 2023 idaraos ang Barangay at SK elections kung saan ang mga mananalo sa naturang eleksyon ay manunungkulan sa November 30, 2023.

 

 

Mananatili muna ang mga kasalukuyang mga opisyal ng barangay sa puwesto habang hindi pa naisasagawa ang halalan, maliban na lamang kung masususpinde o maaalis sila sa posisyson.

 

 

Matapos ang halalan sa Oktubre 2023 ay idaraos na kada tatlong taon ang Barangay at SK elections.

 

 

Para naman sa usapin ng pondo na gagamitin, kukunin ito sa alokasyon ng Commission on Elections (Comelec), sa ilalim ng General Appropriations Act (GAA) o magpasa at mag-apruba ng supplementary appropriations ang Kamara. (Ara Romero)

Other News
  • Colleges, universities planong lagyan ng ‘Register Anywhere’ ng Comelec

    PLANO ng Commission on Elections (Comelec) na maglagay pa ng mas ma­raming site para sa Register Anywhere Project (RAP) nito, partikular sa mga kolehiyo at unibersidad. Sinabi ni Comelec Spokesperson John Rex Laudiangco na kasaluku­yang nakikipag-ugnayan sila sa Department of Education (DepEd) at Commission on Higher Education (CHED) para magkaroon ng RAP ang ilang kolehiyo […]

  • LIBRENG ACCESS SA TALUMPATI NI SANTO PAPA

    NANAWAGAN si Pope Francis noong Linggo ng libreng pag-access sa mga banal na lugar sa Jerusalem habang naghahatid siya ng kanyang taunang talumpati sa Pasko ng Pagkabuhay sa gitna ng  karahasan sa pagitan ng mga Israelita at Palestinian sa  Holy City.     “May there be peace for the Middle East, racked by years of […]

  • 9 na bagong opisyal ng gobyerno, nanumpa sa harap ni PBBM

    PATULOY na pinupunan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang mga bakanteng posisyon sa tanggapan at departamento ng gobyerno.     Sa katunayan, inanunsyo ng Office of the Press Secretary (OPS) ang mga mga opisyal na nag- oath of office sa harap mismo ni Pangulong Marcos, ngayong araw, Hulyo 7.     Ang mga ito ay […]