• July 25, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagpaparehistro ng SIM card, dapat gawing madali para sa mga senior citizen – Poe

PINAALALAHANAN  ni Senator Grace Poe ang telecommunication companies at National Telecommunications Commission (NTC) na dapat tiyakin na maging madali ang pagpaparehistro ng Subscriber Identity Module (SIM) card para sa mga senior citizen kasabay ng pagsisimula na bukas, Disyembre 27 ng mandatory SIM registration.

 

 

 

Ayon sa Senadora dapat na ang Sim registration ay gawing madali lamang gaya ng texting o pag-send ng text message.

 

 

 

Dapat din na mayroong portals ang telcos para sa registration na user-friendly at hikayatin ang mobile users na magpatala nang walang hassle at pagkaantala ng mga serbisyon.

 

 

 

Hinihimok din ang telecommunication companies na tulungan ang mga persons with disabilities, minors, buntis at ang mga walang access sa internet.

 

 

 

Nagpaalala naman ang ilang telco na maging maingat sa mga text messages na natatanggap na naglalaman ng pekeng URLs dahil magmumula lamang ang lehitimong mga mensahe mula sa mismong telecommunication company. (Daris Jose)

Other News
  • Muling nakunan at maghihintay kung kailan magkaka-baby: ALEX, suportado ni MIKEE at masaya na silang dalawa lang

    NAKUNAN palang muli si Alex Gonzaga nitong October.     Inilahad ni Alex ang kanyang malungkot na karanasan sa vlog ng ate niyang si Toni Gonzaga.     Nag-try sina Alex at mister niyang konsehal sa Batangas na si Mikee Morada na makabuo muli ng anak via IVF o in-vitro fertilization.     Ayon sa […]

  • Florida ready i-host ang Olympics

    Handa ang Florida na saluhin ang pagtataguyod ng Olympic Games sakaling mag-backout ang Tokyo, Japan bilang host.     Ipinaabot na ni Florida chief financial officer Jimmy Patronis ang intensiyon ng American state kay International Olympic Committee (IOC) president Thomas Bach.     “To encourage you to consider relocating the 2021 Olympics from Tokyo, Japan […]

  • Jose Emmanuel Eala, Olivia Coo tuloy lang ang trabaho sa PSC

    TULOY lang ang Philippine Sports Commission kahit kulang pa ng tatlong tao para mabuo ang 5-man Board of Commissioners.     Sina chairman Jose Emmanuel Eala at commissioner Olivia ‘Bong’ Coo pa lang ang nasa Board na mga nagpapatupad ng gawain sa ahensiya ng gobyerno para sa grassroots at elite sports ng bansa.     […]