Pagpapatuloy ng visa-on-arrival scheme, hinirit para sa mga Chinese nationals
- Published on July 5, 2023
- by @peoplesbalita
SUPORTADO ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) ang pagpapatuloy ng visa-on-arrival scheme para sa mga Chinese nationals.
Tinukoy ang potensiyal na paghikayat para mamuhunan sa bansa, ayon kay ARTA Director General Ernesto V. Perez sa sidelines ng isang forum na inorganisa ng German-Philippine Chamber of Commerce and Industry sa Makati City.
Sa ulat, pinalutang ng Arta ang panukala matapos na makatanggap ang ahensiya ng reklamo mula sa Chinese Embassy.
“If we want to encourage investment, we should make it easier for (investors) to come in,” ayon kay Perez.
We recently received a complaint from the Chinese Embassy that before you can come here … you have to apply with our consular offices. It takes three or four months to get even an appointment,” dagdag na pahayag nito.
Nais naman ng ARTA na makipagpulong sa Department of Foreign Affairs at Bureau of Immigration hinggil sa nasabing usapin.
“How can investors come in when we make it difficult for them to come in and to even acquire a visa? That is one thing that ARTA is also looking into,” ayon kay Perez.
Samantala, ang visa-on-arrival program ay nagsimula noong 2017 na pinahintulutan ni dating Justice Secretary Vitaliano N. Aguirre.
Isang circular ang ipinalabas matapos konsultahin ang Tourism department, dinisenyo ito para i-promote ang turismo.
Sinuspinde naman ng gobyerno ang visa-on-arrival privileges noong Enero 2020 kasunod ng outbreak ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic. (Daris Jose)
-
Practice facilities ng Nuggets, isinara matapos dapuan ng COVID-19 ang 3 miyembro ng traveling party
Isinara muna ng Denver Nuggets ang kanilang mga pasilidad matapos na magpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang tatlong kasapi ng traveling party ng koponan. Sa anunsyo ng team, asymptomatic o wala naman daw sintomas ng deadly virus ang tatlo. Binubuo ng 35 na miyembro ang traveling party ng Nuggets, na kinabibilangan ng […]
-
Lalong maghihigpit ang PBA
Binalaan ng PBA ang sinumang lalabag sa health protocols na ipatutupad sa kanya-kanyang training at scrimmages ng mga PBA teams. Nakaabang ang mabigat na parusa kabilang na ang P100,000 multa at 10 araw na suspensiyon sa mga violators. Naglatag ng matinding parusa ang PBA upang masiguro na susunod ang lahat sa […]
-
MPTC mamumuhunan ng P2B upang pagdugtungin ang CAVITEX, CALAX
Maglalaan ang Metro Pacific Tollways Corp. (MPTC) ng P2 billion upang pagdugtungin ang Cavite Toll Expressway (CAVITEX) at Cavite-Laguna Expressway (CALAX). Ito ang pahayag ni Roberto Bontia, president at general manager ng MPTC-unit ng Cavitex Infrastructure Corp. (CIC), sa isang virtual briefing na ginanap. Sinabi rin ni Bontia na ang construction ng isang […]