Pagpapatupad ng bagong alert level system sa mga probinsiya, may konsultasyon- Sec. Roque
- Published on October 23, 2021
- by @peoplesbalita
KINUMPIRMA ni Presidential Spokesperson Harry Roque na kinunsulta ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang lahat ng rehiyon at probinsya bago pa ikinasa ang bagong alert level system sa ilang piling lugar sa bansa.
Umapela kasi ang League of Provinces in the Philippines sa IATF na ipagpaliban ang implementasyon ng alert level system sa mga lalawigan dahil hindi sila nakonsulta at nabulaga na lamang sila sa biglaang pagpapatupad ng alert level system gayong kailangan pang paghandaan ito ng mga LGU.
“Lilinawin ko lang po ha: Lahat po ng mga rehiyon at mga probinsya na magpapatupad ng alert level system ay kinunsulta po ang mga LGUs,” ayon kay Sec. Roque.
“Hindi po siguro nakonsulta ang buong League of Governors kasi hindi naman po i-implement sa lahat ng probinsya ang alert level system. Pero iyong mga lugar, mga expanded pilot areas nakonsulta po sila dahil ang mga lokal na mga pamahalaan naman po ang magpapatupad nitong alert level system,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque.
Kaya pagdating sa apela ng League of Governors ay unang-una ay wala pang tinatalakay na apela kasi nga ang mga lugar na ipatutupad ang alert level system, lahat ay mga lokal na pamahalaan kaya’t doon nagsagawa ng konsultasyon.
Sa ulat, balak ng League of Provinces of the Philippines na hilingin sa Inter-agency Task Force na ipagpaliban muna ang pagpapatupad ng ‘Alert Level System for Covid-19 response’ sa buong Pilipinas.
Ginawa ng grupo ang pahayag kasunod nang naging desisyon ng IATF na gawin sa buong bansa ang alert level system matapos umanong makita na epektibo ang pilot implementation nito sa Metro Manila.
Ayon kay League of Province President at Marinduque Gov. Presbitero Velasco Jr. hihilingin umano ng mga gobernador na bigyan sila ng sapat na panahon upang gumawa ng executive order.
Maliban pa dito kailangan din umanong maayos ang desiminasyon ng impormasyon at maipaliwanag sa mga tao bago ang pagpapatupad nito.
Sinabi ni Velasco na kung pagbibigyan sila ng IATF pwedeng sa November 1 na lamang ipatupad ang bagong alert level system. (Daris Jose)
-
May M.U. na sila ni Ysabel: MIGUEL, inaming naging sila ni BARBIE at ‘di maganda ang break-up nila ni BIANCA
MARAMING naging rebelasyon ang Sparkle actor na si Miguel Tanfelix sa pagsalang niya sa ‘Fast Talk with Boy Abunda.’ Tinanong ang bida ng ‘Voltes V: Legacy’ tungkol sa mga Kapuso actresses na na-link sa kanya. Unang tinanong sa kanya ay si Barbie Forteza. Inamin ni Miguel na niligawan at naging sila ni Barbie. “Pino-post ko […]
-
Bring Hollywood Glamour Home: Kohler’s Occasion Faucet Collection Transforms Filipino Bathrooms
Filipino homes are getting a touch of Hollywood glamour with Kohler’s latest offering: the Occasion faucet collection. Renowned for its innovative and high-quality kitchen and bath products, Kohler draws inspiration from the timeless elegance of the Golden Age of Hollywood, delivering a faucet collection that is both stylish and functional. The Occasion […]
-
Westbrook: ‘Gagalingan ko ang pag-asiste sa laro ni Anthony Davis’
Tiniyak ni Russell Westbrook na mas matindi ang ibibigay niyang suporta sa big man ng Lakers na si Anthony Davis. Ginawa ni Westbrook ang pahayag matapos ang kanilang first official practice. Ipinagmalaki ni Westbrook na walang katulad si Davis sa NBA ngayon na maraming nagagawa ang size nito. Kaya […]