Pagpapaturok ng pneumonia vaccine, makakatulong lalo na sa mga elderly at may commorbidities
- Published on February 1, 2021
- by @peoplesbalita
MAGSISILBING malaking proteksiyon ang pagpapaturok ng pneumonia vaccine upang makaiwas sa peligro ng COVID-19 partikular na dito ang pagkamatay.
Ayon kay Dr Charles Yu,Vice- Chancellor, De La Salle Medical and Health Sciences Institute na karamihan ng namamatay sa COVID ay hindi naman dahil sa virus kundi dahil nagkaroon ng complicating bacterial pneumonia.
Nagsisilbing Booster ani Dr. Yu sa immunity ang pneumonia vaccine na nakapagpapabawas sa mortality at morbidity lalo na sa mga senior, mga tinatawag na vulnerable, mga may emphysema at may diabetes.
“Siguro no clear answer to that. Ang anti-pneumonia lalo na iyong invasive pneumococcal, iyong lifetime na nagpu-protect sa deadly na pneumonia will help kasi karamihan ng mga ibang COVID na namamatay hindi dahil sa virus namatay, kung hindi dahil nagkaroon ng complicating bacterial pneumonia,” ani Dr. Yu.
Subalit, paglilinaw ng eksperto, hindi ibig sabihin na kapag nabakunahan na ng pneumonia vaccine ay makakaiwas na sa COVID.
Paliwanag ni Dr Yu, magka- COVID man ang isang naturukan na ng bakuna sa pneumonia ay makakaiwas ito sa nakamamatay na kumplikasyon ng corona virus na pneumonia.
“So kung nagkaroon ka ng injection ng lifetime na pneumonia ay maaaring makatulong iyon para mag-boost ng immunity mo. Pero itong mga pneumonias ay bacterial vaccines. Kasi may naririnig kami na, “Magpabakuna ka na rin kasi makakatulong ito para nagka-COVID ka, makakaiwas ng complication,” that is partly true. Pero kung nabakunahan ka ng pneumonia, hindi ibig sabihin ay makakaiwas sa COVID; it might reduce the mortality and morbidity lalo na sa mga elderly, mga vulnerable, iyong mga may emphysema, iyong may mga diabetes, iyan makakatulong iyan,” aniya pa rin.
-
Naglagay ng starfish sa katawan para sa photo op: MARTIN, matapang na inamin ang nagawang pagkakamali
MATAPANG na inamin ni ‘Voltes V: Legacy’ actor na si Martin del Rosario ang kanyang nagawang pagkakamali. Ito ay ang manguha ng mga starfish sa dagat at ilagay ang mga ito sa kanyang katawan para sa isang photo op sa beach sa Palawan. “Kung kilala talaga ako ng mga tao sa paligid […]
-
Cardinal Advincula, nakaramdam ng takot ng italagang arsobispo ng Manila
Inihayag ng bagong talagang arsobispo ng Maynila na pagbabahagi ng biyaya ng bokasyon ang pagkahirang niya bilang pinuno ng arkidiyosesis. Sa panayam ng Radio Veritas kay Manila Archbishop-elect Cardinal Jose Advincula, sinabi nitong bilang pastol ng simbahan ay mahalagang maibahagi sa mananampalataya ang kaloob ng bokasyon na kanyang tinanggap. “Having been […]
-
Masayang-masaya na isa na siyang Kapuso: STELL, aminadong nagulat na napiling judge sa ‘The Voice Generations’
MASAYANG-MASAYA si Stell ng SB19 na isa na siyang Kapuso! Isa si Stell sa mga judges ng ‘The Voice Generations’ hosted by Dingdong Dantes; ang iba pang judge ay sina Billy Crawford, Chito Miranda at Julie Anne San Jose. “Yung grupo namin turning five years pa lang po kami, pero yung […]