• December 4, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagpasok ni SHARON sa serye ni COCO, mukhang matatagalan pa dahil naka-quarantine pa ang buong cast

MAGANDANG balita sa mga fans ni Megastar Sharon Cuneta na magkakaroon siya ng guest role sa action series na FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin. 

 

 

Naiinip na kasi silang mapanood umarte sa TV si Sharon.  Pero may mga nagtatanong din kung totoo ba iyon dahil ang alam nga nila ay gagawa ng sariling series si Sharon sa Kapamilya channel na sabi pa ay siya mismo ang magpu-produce.

 

 

Pero hindi naman nga raw muna matutuloy ang series na gagawin dahil uunahin niyang mag-guest sa serye.

 

 

May mga nagtatanong nga kung anong role raw ang gagampanan ni Sharon, ibig sabihin daw ay magkakasama sila ni Lorna Tolentino doon.

 

 

So, wait muna tayo ng tamang balita,  dahil sa ngayon ay naka-quarantine pa raw lahat ang buong cast ng Ang Probinsyano sa Ilocos Sur dahil may nag-positive sa COVID-19 sa lock-in taping nila roon.

 

 

***

 

 

NAGSALITA na rin ang dating partner ni Jomari Yllana, si Joy Reyes, na inili-link siya kay Paolo Contis at siya raw ang nakitang kasama nito sa Manaoag at sa Baguio City.

 

 

Hindi pala niya kilala nang personal si Paolo kaya nagtataka siya kung bakit siya ang sinasabing dahilan ng paghihiwalay nina LJ Reyes at Paolo.

 

 

Post ni Joy sa kanyang Instagram account: “First and foremost, I’ve never known the guy personally. The topic of linking me to the guy is just a fabricated story, a fragment of imagination of the person with unstable mind.

 

 

  “To the fans of the people involved, think first. How can I be a 3rd party if they are spotted together somewhere while I am here in QC thinking about all the bills & other necessities that the father of my baby boys is not paying ontime and is not paying at all.”

 

 

Ang tinutukoy ni Joy sa huli ay ang sustentong ipinangako ni Jomari para sa kanilang mga anak na hindi nga raw dumarating on time at kung minsan ay wala talaga.

 

 

***

 

 

TULOY na tuloy na ang pagsisimula ng trabaho ni GMA Artist Center Consultant Johnny Manahan ngayong isinagawa na nila ang biggest contract signing ceremony ng new generation of world-class Kapuso talents.

 

 

Muling nag-renew ng contracts nila sina Mark Herras, Pauline Mendoza, Ashley Ortega, Faye Lorenzo, Therese Malvar, Vaness del Moral, Analyn Barro, Lucho Ayala, Sherilyn Reyes-Tan, Martin Javier, Patricia Tumulak, Claire Castro, Alexandra Yap, Luane Dy, Jose Sarasola, Denise Barbacena, Gabrielle Hahn, Shemee Buenaobra, Brye Eusebio, at Shanelle Agustin.

 

 

Sa list ng mga bagong GMA artists, tinawag silang mga ‘Showbiz Royalties’ dahil kabilang ang mga anak ni Wendell Ramos na sina Saviour at Tanya Ramos, si Lala Vinzon ni Roi Vinzon, Alexandra Yap ni Melinda Mendez, Julia Pascual na niece ni Piolo Pascual, Sandro Muhlach ni Nino Muhlach, Brianna Bunagan ni Michael V, at Claire Castro nina Diego Castro at Raven Villanueva.

 

 

Ipinakita na nila ang kanilang talents sa pagkanta at pagsayaw nang mag-perform sila last Sunday, September 5, sa GMA noontime show na All-Out Sundays. 

 

 

Winelcome naman sila ng mga GMA artists led by Alden Richards.

(NORA V. CALDERON)

Other News
  • Bagong number coding scheme pinag-aaralan

    May bagong number coding scheme ang pinag-aaralan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na ipapatupad kung saan dalawang (2) araw sa isang (1) linggo na bawal ang pribadong sasakyan na lumabas sa mga lansangan.     Inihayag ito ni MMDA chairman Romando Aries sa isang panayam na ginawa noong nagkaron ng President Duterte’s Talk to […]

  • VMayor Along naghain na ng COC

    NAGHAIN na ng kanyang Certificate of Candidacy (COC) si incumbent Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan para sa muli niyang pagtakbo sa halalan bilang alkalde ng Lungsod ng Caloocan na ginanap sa SM Grand Central.     Kasama ni Mayor Along ang kanyang asawang si Aubrey, ang kanyang pamilya sa pangunguna ng kanyang ama na si […]

  • Wala pang dahilan para magdeklara ng state of economic emergency-DTI

    NANINIWALA si Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez na wala pang dahilan para magdeklara ng state of economic emergency dahil naghahanda ang pamahalaan ng mga hakbang para mapagaan ang epekto ng tumataas na presyo ng langis.     “At the moment, we don’t think na kailangan na ‘yun. Right now, we’ve outlined […]