• March 25, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagpunta ni MAX sa US, mas umugong ang balitang may problema sila ni PANCHO

HABANG nagbabakasyon si Max Collins sa US, dumalo ito sa advanced screening ng Marvel film na Eternals in Los Angeles, California.

 

 

Pinost ni Max sa kanyang IG Stories ang pag-attend niya ng naturang screening sa El Capitan Theatre suot ay black leather dress at kasama niya sa red carpet ay ang model-turned-film director na si Janina Manipol. 

 

 

Dahil sa paglipad sa US ni Max, lalong lumakas ang usapan na baka nga may problema ang pagsasama nila ng mister niyang si Pancho Magno. Pero quiet pa rin si Max tungkol dito.

 

 

Sayang din at hindi naka-attend si Max sa wedding ng To Have and To Hold co-star na si Carla Abellana kay Tom Rodriguez.

 

 

Bisitahin kaya ni Max si LJ Reyes sa New York? Biro ng isang netizen na puwede raw silang nagdamayan, yun ay kung totoong may marital problems si Max.

 

 

***

 

 

HABANG hindi abala si Jericho Rosales sa paggawa ng teleserye, tumutulong sila ng kanyang misis na si Kim Jones sa paggawa ng mga bahay para sa mga naging biktima ng Bagyong Ulysses noong nakaraang taon

 

 

“It’s been almost a year since typhoon Ulysses devastated many parts of our country, including Marikina and Cagayan. We’re happy to share that with the help of one of the best titas of Manila [Marinez Elizalde], our friends too many to mention, and you who donated to the cause, Ulysses Relief Fund [was] also able to help build 20 houses for 20 families to Project Salinong in Baggao, Cagayan,” post ni Jericho sa social media.

 

 

Masayang-masaya ang mag-asawa dahil very grateful ang mga nabibigyan nilang mga pamilya ng bagong tahanan.

(RUEL MENDOZA)

Other News
  • Sa category na Outstanding Asian Star: DENNIS, BARBIE at JULIE ANNE, nominated sa ‘Seoul International Drama Awards 2023’

    MABILIS ang sagot ni Beauty Gonzalez, nang tanungin siya sa mediacon ng bago niyang project sa GMA Network, ang “Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis,” kung ano ang naramdaman niya nang i-offer sa kanyang makatambal si Senator Bong Revilla, sa action-comedy series?     “Kilig at excitement,” nakangiting sagot ni Beauty.     […]

  • PDU30: detensyon o pagpiit sa resource person sa Senate probe, isang pang-aabuso

    IKINUNSIDERA ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte bilang “oppression” ang detensyon o pagpipiit ng resource persons na tumangging sabihin ang nais ng mga senador na nais nilang marinig sa pagdinig sa Senate blue ribbon committee hinggil sa di umano’y overpriced ng pandemic supplies.   Sa Talk to the Peole, araw ng Miyerkules, hinamon ni Pangulong Duterte […]

  • P353K shabu nasabat sa Caloocan drug bust, 2 timbog

    MAHIGIT P.3 milyong halaga ng shabu ang nasamsam ng pulisya sa dalawang hinihinalang tulak ng iligal matapos maaresto sa ikinasang buy bust operation sa Caloocan City, Huwebes ng umaga.     Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Paul Jady Doles alyas Ike, 25, […]