• March 15, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagsaklolo sa mga mangingisda na apektado ng commercial fishing tiniyak ni Speaker Romualdez

TINIYAK ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang kanyang suporta sa mga mangingisda ng Iloilo upang maprotektahan ang kanilang kabuhayan mula sa banta ng komersyal na pangingisda.
Nakipagpulong ang pinuno ng Kamara sa mga lider at kinatawan ng mga mangingisda sa Sicogon, Carles, Iloilo, matapos dumalo sa groundbreaking ceremony para sa P388-milyong Submarine Cable Interconnection Project na magpapatatag sa suplay ng kuryente sa mahigit 13,000 kabahayan sa lugar.
Ang mga mangingisda ay nakipag-ugnayan kay Speaker Romualdez, sa pamamagitan ni Iloilo 5th District Rep. Boboy Tupas, upang iparating ang kanilang hinaing kaugnay ng desisyon ng Korte Suprema noong Agosto 2024 na nagpapahintulot sa mga commercial fishing vessel na mangisda sa loob ng 15-kilometrong municipal waters, na dati para lamang sa mga maliliit na mangingisda.
Sinabi ni Romualdez na ihaharap niya ang kanilang mga hinaing sa Office of the Solicitor General upang magamit ang lahat ng legal na hakbang para baligtarin ang desisyon ng Korte Suprema.
Sa Mababang Kapulungan ng Kongreso, ilang panukalang batas ang inihain upang amyendahan ang Philippine Fisheries Code, kabilang ang House Bill 6381 na naglalayong magtakda ng 10-kilometrong buffer zone lampas sa 15-km municipal waters upang maiwasan ang pagpasok ng mga malalaking sasakyang pangisda sa mga lugar na nakalaan lamang para sa maliliit na mangingisda. ( Vina de Guzman)
Other News
  • ‘Herd immunity’ sa Pasko sa NCR Plus 8, posible

    Posible pa rin na maabot ang ‘herd immunity’ sa National Capital Region (NCR) at walo pang lugar sa bansa laban sa COVID-19 sa pagsapit ng Pasko kung matitiyak ng pamahalaan na hindi kakalat sa Pilipinas ang Delta variant na nagmula sa India.     Sinabi ni Fr. Nicanor Austriaco, miyembro ng OCTA, na tiwala siya […]

  • 600K na deactivated voters, nagpa-reactivate

    MAHIGIT 600,000 deactivated voters ang nag-apply para sa reactivation para sa 2025 national at local elections (NLE), ayon sa Commission on Elections (Comelec) nitong Miyerkules.     Sinabi ni Comelec Spokesperson John Rex Laudiangco na mula sa 6.4 million applications na natanggap ng komisyon, ang 3.3 milyon nito ang nadagdag na mga bagong botante kung […]

  • WELCOME THE NEW YEAR WITH WHIMSY AND FANTASY WITH “THE BOY AND THE HERON,” THE FIRST HAYAO MIYAZAKI FILM TO BE SHOWN IN PHILIPPINE CINEMAS

    “THE Boy and the Heron,” Academy Award winner Hayao Miyazaki’s latest masterpiece, will open in Philippine cinemas January 8.     The film, a deeply personal project for the acclaimed filmmaker, is the first Miyazaki film to be shown on the big screen in the Philippines.     Fans of Miyazaki have been eagerly awaiting […]