Pagsalang sa bakuna kontra COVID, inihirit na isama sa mga kondisyones sa pagtanggap ng 4ps
- Published on May 19, 2021
- by @peoplesbalita
IPINANUKALA ni Presidential Spokesperson Harry Roque na gawing kondisyon ang mapasailalim sa vaccination program ng pamahalaan ang mga benipersaryo ng 4Ps.
Ang panukalang ito ni Sec. Roque ay bunsod ng vaccine hesitancy at umano’y ulat na nasa 30 porsiyento lamang ang nais na sumalang sa bakuna.
Aniya, kung maisama sa kondisyon ang pagsalang sa bakuna ng mga nakikinabang sa 4Ps ay tiyak na tataas ang bilang ng mga mababakunahan lalo na sa hanay ng mga mahihirap.
Aniya pa, hindi lamang sa 4Ps beneficiary maaaring maikabit ang vaccination program ng gobyerno.
At kung sakali namang magkaroon ng bagong ayuda sa hinaharap sa pamamagitan ng Bayanihan 3 ay maaari ring maidugtong dito ang pagbabakuna.
Subalit, nilinaw ni Sec. Roque na mananatili itong boluntaryo at walang pilitan ang nasabing kondisyones para makatanggap ng ayuda. (Daris Jose)
-
‘Uninterrupted’ gov’t services sa Sulu, titiyakin ng administrasyong Marcos-Pangandaman
TITIYAKIN ng administrasyong Marcos na mananatiling tuloy-tuloy at walang hadlang ang serbisyo ng gobyerno sa lalawigan ng Sulu. Ito ang sinabi ng Department of Budget and Management (DBM). Inihayag ang commitment na ito nang ang Intergovernmental Relations Body (IGRB), binubuo ng mga kinatawan mula sa national at Bangsamoro governments, nagpulong noong Oct. 11 […]
-
UAAP Season 85 kasado na!
KASADO na ang lahat para sa engrandeng pagbubukas ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Season 85 sa Sabado sa Mall of Asia Arena sa Pasay City. Matapos ang dalawang taong pagkagipit dahil sa pandemya, masisilayan na ng lubos ang pagbabalik ng lahat ng sports sa season na ito. “Now, […]
-
Mens football team mas gumanda na ang performance
IPINAGMALAKI ni Philippine men’s national football team head coach Albert Capellas na nagkaroong ng magandang pagbabago na ang koponan. Kasunod ito sa pagkamit ng koponan ng bronze medal sa katatapos King’s Cup sa Thailand. Sa nasabing torneo kasi ay tinalo nila ang Tajikistan 3-0 para makapasok sa ikatlong puwesto. […]