Pagsasanay ng mga atleta na kasali sa 2021 Tokyo Olympics, maaari nang mag-resume- Sec. Roque
- Published on December 17, 2020
- by @peoplesbalita
MAAARI nang mag-resume ng pagsasanay ang mga atleta na makikipaglaban o makikipagkumpetensiya sa 2021 Tokyo Olympics.
Ito ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque ay sa pamamagitan ng bubble set-up upang masiguro na ligtas sila sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Sinabi ni Sec. Roque na araw ng Lunes nang pumayag ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) sa request ng Philippine Olympic Committee kaugnay sa pagpapatuloy ng pagsasanay.
“[T]he conduct of the training in a ‘bubble-type’ setting shall be made in coordination with the Regional Task Force where the training shall be conducted and the local government unit with the jurisdiction of the proposed venue,” ang nakasaad sa resolusyon ng IATF.
Ang 32nd Summer Olympics ay itinakda para ngayong taon subalit inilipat ng Hulyo 2021 dahil sa pandemiya.
Noong Setyembre, sinabi ni Japanese Prime Minister Yoshihide Suga sa United Nations General Assembly na ang kanyang bansa ay determinado na mag-host sa Tokyo Olympic and Paralympic Games “as proof that humanity has defeated the pandemic.”
Sinasabing wala pang gamot sa COVID-19, subalit ang mga bansang gaya ng United Kingdom, Canada at United States ay inaprubahan ang paggamit ng Pfizer-BioNTech’s experimental vaccine. (Daris Jose)
-
P1,500 dagdag sa senior citizens aprubado na sa Kamara
SINABI ni Malabon City Rep. Josephine Veronique ‘Jaye” Lacson-Noel matapos niyang mag file ng kanyang certificate of candidacy (COC) para sa reelection na aprubado na sa mababang kapulungan ang kanyang panukalang batas na magbibigay ng dagdag na P1,500 para sa seniors citizens sa bansa. “Aside from several bills that have become law that […]
-
Ayos lang sa asawang si David: GLAIZA, aminadong nakatutok ngayon sa kanyang showbiz career
AYOS lang raw sa mister niyang si David Rainey kung sa ngayon ay sa kanyang showbiz career muna nakatutok si Glaiza de Castro. Lahad ni Glaiza, “Eversince naman po nandun siya sa kung ano yung schedule ko kasi very flexible naman yung schedule niya. “Although ang masaya po dun tinutulungan niya […]
-
Medvedev, kinoronahang hari ng ATP nang magwagi vs Thiem
Nadagit ni Russian tennis star Daniil Medvedev ang kampeonato sa ATP Finals sa London matapos na talunin nito si Dominic Thiem. Bagama’t nabigo sa isang set, hindi nagpatinag si Medvedev at pinahiya si Thiem sa iskor na 4-6, 7-6 (7/2), 6-4 para makuha ang pinakamalaking tagumpay sa kanyang career. Umabot sa dalawang oras […]