• July 8, 2025

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagsasapinal ng supply agreement na Johnson & Johnson, ilalatag na

ISASAPINAL na ngayong araw ni Vaccine czar at Chief Implementer Carlito Galvez ang supply agreement sa Johnson & Johnson.

 

Makikipagpulong si Galvez sa Johnson & Johnson para plantsahin ang hakbang ng pamahalaan na makakuha din ng bakuna mula sa nasabing American vaccine manufacturer.

 

Maliban sa Johnson & Johnson’s ay tinatrabaho din ani Galvez nila na maisapinal na din ang kasunduan sa kumpanyang Gamaleya na siya namang manufacturer ng Sputnik V.

 

Samantala, apat na mga vaccine manufacturers ang natapos nang makapirmahan ng pamahalaan para sa supply agreement at ito ay ang Sinovac, AstraZeneca, Moderna at Novavax.

 

Tiiwala naman si Galvez na pagdating ng Abril ay pulido’t tapos na ang lahat ng kailangang kontrata sa lahat ng mga kumpanyang target na angkatan ng bansa ng bakuna kabilang dito ang Pfizer.

 

“Magkakaroon po kami ng meeting tomorrow and hopefully we can finalize the supply agreement po. Iyong supply agreement po ng lahat po ng ating—ng Sinovac, AstraZeneca, Moderna and Novavax had been finalized and we will be finalizing iyong supply agreement po namin sa Johnson & Johnson’s and the Gamaleya,” ayon kay Galvez.

 

“We have also a meeting with Pfizer this morning and hopefully all of these contracts will be finished this coming first week or second week of April,” dagdag na pahayag ni Galvez. (Daris Jose)