Pagsisikapan pa ring maabot sa totoong buhay: Pangarap ni JO na maging lawyer, natupad na sa legal drama-serye
- Published on May 18, 2023
- by @peoplesbalita
HINDI naiwasan na maitanong kay Matteo Guidicelli ang tungkol sa usap-usapang sigalot sa kanyang asawa na si Sarah Geronimo at sa matagal na nitong backup dance group na G-Force ng choreographer na si Teacher Georcelle.
Sa 20th anniversary concert ni Sarah, kapansin-pansin na wala ang G-Force, at may mga bagong choreography sa kanyang mga awitin ang pop star royalty.
Nangyari ang pagtatanong tungkol dito sa guesting ni Matteo sa ‘Fast Talk With Boy Abunda’.
“Sarah and Teacher have been together for 16 years. Sarah wanted to work with G-Force, different dancers, different choreographers and just have this synergy of greatness together,” paliwanag ni Matteo kay Tito Boy nitong Lunes.
“I guess things just didn’t pan out,” saad pa ng aktor na balik-Kapuso na.
Hindi naman nagbigay ng iba pang detalye si Matteo tungkol kina Sarah at Teacher Georcelle, pero nilinaw niya na wala siyang kinalaman tungkol dito.
“I don’t push Sarah, I stand beside her,” giit ng aktor na bahagi na ngayon ng morning show sa GMA na “Unang Hirit.”
“It would have been nice to have G-Force there also but maybe on another time. Whatever discussion and whatever little things here and there will be mended kumbaga,” dagdag niya.
Sa kabila ng mga lumalabas na isyu, pinasalamatan at ipinahayag ni Sarah ang pagmamahal niya sa G-Force sa concert nito.
Sa inilabas na pahayag ni Teacher Georcelle, tinawag niya na “artistic differences” ang usapin tungkol sa kanila ni Sarah. Gayunman, sinusuportahan umano niya ang creative freedom ng singer-actress.
****
PANGARAP ni Jo Berry, natupad!
Bibida ang Kapuso star na si Jo sa upcoming legal drama serye na ‘Lilet Matias: Attorney-at-Law’.
Sa story conference ng naturang serye ay ibinahagi ni Jo kung gaano siya kasaya nang malaman niyang siya ang gaganap sa karakter ni Lilet Matias, ang maliit ngunit mabagsik na abogada na may malaking pangarap para sa mga naaapi.
Aniya, “Yung papa ko po talaga ‘yung may pangarap na maging lawyer ako and nasabi ko talaga sa kanya na ‘ito na yun pa’ Sisimulan ko na agad ngayon pero sa role lang muna. Nandun pa rin naman po ‘yung kagustuhan ko na maging lawyer in real life pero nauna lang talaga yung role ngayon.”
Binanggit din ng Sparkle star na may plano pa rin siyang tuparin ang kanyang pangarap na maging isang abogada sa totoong buhay.
“Naalala ko, bata pa lang ako, number one na siya sa gusto kong gawin nung nag-aaral pa lang ako and alam ko na ‘yun ‘yung gusto ng papa ko for me so hindi talaga siya nawawala.
“Pagsisikapan ko pa rin pong maabot. Alam kong mahaba-haba pa ‘yung pagdadaanan pero hindi po siya nawawala nandun pa rin po siya sa goals ko,” saad niya.
Makakasama ni Jo Berry sa legal drama serye ang award-winning young actor na si Joaquin Domagoso, Sparkle beauties na sina Zonia Mejia at Hannah Arguelles, mga batikang aktres na sina Sheryl Cruz, Glenda Garcia, at Teresa Loyzaga, Sparkle heartthrobs na sina Jason Abalos at EA Guzman, at komedyante na si Ariel Villasanta.
(ROMMEL L. GONZALES)
-
Jay Sonza, kinasuhan ni Julia Barreto ng Cyber Libel sa NBI
SINAMPAHAN kahapon ng kasong paglabag sa Cybercrime case ng aktres na si Julia Barreto , ang dating broadcaster na si Jay Sonza sa National Bureau of Investigation(NBI),kahapon ng tanghali kaugnay sa pahayag nito na siya ay buntis at ang ama ay si Gerald Anderson. “Andami ko na ring pinagdaanan, ang dami ko na rin […]
-
Ads February 27, 2020
-
Mga NBA players na COVID-19 positive, umaasang makakalaro pa rin sa season restart
Kampante ang mga karagdagang NBA players na dinapuan kamakailan ng coronavirus na makakapaglaro sila sa oras na magpatuloy nang muli ang 2019-20 season sa susunod na buwan. Ayon kay Sacramento Kings forward Jabari Parker, maganda raw ang usad ng kanyang recovery matapos sumailalim sa self-isolation sa Chicago. “Several days ago I tested positive […]