• March 22, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagsulong ng VAT Exemption tuluy-tuloy upang makatulong sa bawat Pilipino

ITINUTULAK ni TALINO AT GALING PINOY (TGP) party-list Rep. Jose Teves Jr. ang pagpasa ng isang batas na mag-aalis sa pagpataw ng Value-Added Tax (VAT) sa mga lahat ng uri ng gamot, generic o branded man, upang makatulong na maibsan ang bawat Pilipino sa sobrang taas na halaga ng mga gamot.

 

Aniya, pangatlo ang Pilipinas na may pinakamahal na halaga ng gamot sa buong Asia.

 

Noong Agosto 2024, naglabas ang Bureau of Internal Revenue ng Memorandum Circular No. 93-2024 na nag-aalis ng VAT sa 15 klase ng gamot para sa cancer, high cholestrol, hypertension at mental illness.

 

Naghain ng House Bill No. 8565 si Teves upang isulong ang pagtanggal sa VAT ng lahat ng uri ng generic at branded na mga gamot.

 

“Nararapat lamang na katuwang tayo ng ating mga kababayan na labis na naghihikahos sa buhay na nabibilang sa poorest of the poor,” aniya.

 

Dagdag pa niya, patuloy niyang isusulong sa 20th Congress na maipasa ang panukalang maialis ang pagpataw ng VAT sa mga gamot.

 

Sa ginanap na KAPIHAN SA EUROTEL pulong balitaan sa pangunguna ni Dr. Danilo Mangahas ay inilahad ni Teves ang kanyang hangarin na masakop ng PhilHealth packages ang lahat ng uri ng karamdaman.

 

“The Philippine Health Insurance Corp. has so many billions of pesos which should be spent for all Filipinos, especially PhilHealth members,” diin niya.

 

Nais niya rin sana na masakop ng Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients Program (MAIFIPP) ng PhilHealth ang mga professional fees ng mga doktor upang maging zero-billing ang mga pasyenteng naa-admit sa mga ospital. (PAUL JOHN REYES)

Other News
  • Mas nag-concentrate sa hosting at acting: RABIYA, itinangging na-insecure kay FAITH kaya nawala sa ’TiktoClock’

    NAGSALITA na si Miss Universe PH 2020 Rabiya Mateo tungkol sa pagkawala niya sa daily variety show ng GMA na ‘TiktoClock.’     May bulung-bulungan na na-insecure daw ito sa co-hosts na si Faith da Silva. Pero pinabulaanan ito ni Rabiya dahil close sila ni Faith. Mas mag-concentrate daw siya sa pag-host sa mga regional […]

  • Pinas naghahanda sa suplay ng oxygen

    Naghahanda ang Department of Health (DOH) sa posibilidad ng pagkakaroon ng panibagong ‘surge’ sa mga kaso ng COVID-19 dahil sa Delta variant kung saan nangangailangan ng mas maraming suplay ng oxygen.     Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na mula nang magkaroon ng surge sa India ay nakaalerto na sila at naghahanda na […]

  • Casimero muling kinantiyawan si Donaire

    Hindi naman tinantanan ni Casimero na kantiyawan ang kapwa Pinoy boxer na si Nonito Donaire Jr.     Sinabi nito na dapat mahiya si Donaire dahil ang nambugbog sa kaniya noon na si Guillermo Rigondeaux ay kaniyang tinalo.     Kaniya sana ito ng papatulugin kung hindi lang panay takbo ito sa boxing ring.   […]