Pagsusuot ng facemask muling hinikayat dahil sa mabilis na pagkalat ng bagong Omicron subvariant ng COVID-19
- Published on January 12, 2023
- by @peoplesbalita
HINIMOK ng World Health Organization na dapat isaalang-alang ng mga bansa ang pagrekomenda na magsuot ng facemask ang mga pasahero sa mga long-haul na flight, dahil sa mabilis na pagkalat ng pinakabagong Omicron subvariant ng COVID-19 sa United States.
Sa isang pahayag ng World Health Organization, sa Europe, ang XBB.1.5 subvariant ay nakitang mabilis na lumalaking bilang na kaso ng Covid19.
Dapat payuhan ang mga pasahero na magsuot ng mask sa mga lugar na may mataas na peligro tulad ng mga long-haul na flight, ayon sa senior emergency officer ng nasabing organisasyon partikular na sa Europe.
Ang XBB.1.5 ay ang pinakamabilis kumalat na subvariant ng Omicron na nakita sa ngayon na umabot sa 27.6% ng mga kaso ng COVID-19 sa United States para sa linggong natapos noong Enero 7.
Sa ngayon, mahigpit na nagpapaalala ang World Health Organization na panatilihin pa din ang pag-iingat kaugnay nakamamatay na virus na kumakalat saan mang sulok ng ating mundo.
-
Informal settlers na tatamaan ng ruta ng railway project, tutulungan ng gobyerno
TINIYAK ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tutulungan ng gobyerno ang mga informal settlers na maaapektuhan nang pagtatayo South Commuter Railway Project (SCRP) sa ilalim ng North-South Commuter Railway (NSCR) System. Aminado ang Pangulo na may mga maaapektuhan sa pagtatayo ng malalaking proyekto tulad ng SCRP. “We must also recognize the […]
-
7 INDIBIDWAL , HULI SA QUARRYING
ARESTADO ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pitong indibidwal na iniulat na sangkot sa illegal quarrying operations sa Barangay San Isidro sa Angono, Rizal. Kinilala ng NBI ang mga naaresto na sina Bonbon E. Camanian, Marcial R. Bustamante, Jomar T. Marigondon, Ricky B. Buenaventura, Rustian S. Villamora, Richard S. Evangelista, at Rodel […]
-
Paghahanda na raw posisyon sa 2025 elections: Sen. BONG, nag-iikot sa iba’t-ibang lugar ngayon sa Kamaynilaan
ALTHOUGH ang TV show niyang “Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis” ang pino-promote ni Senator Bong Revilla sa ginawa niyang pag-iikot sa iba’t-ibang lugar ngayon sa Kamaynilaan ay hindi maiiwasang mag-iişip ang mga tao na may kinalaman sa posisyong tatakbuhan niya sa 2025 elections. Usap-usapan kasi sa umpukan ng mga Barangay […]