Pagtaas ng bilang ng botante, iimbestigahan
- Published on October 18, 2024
- by @peoplesbalita
MAGSASAGAWA ng imbestigason ang Commission on Elections (Comelec) sa ulat na may mga lugar na may mataas na bilang ng mga botante .
Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na kabilang sa mga lugar na may biglaang pagdami ng bilang ng mga botante ay sa Makati, Nueva Ecija, Cagayan de Oro, at Batangas.
Katulad aniya sa isang lugar na nagkaroon ng dagdag na 18 libong bagong botante mula Pebrero nang magsimula ang voter registration hanggang Hulyo.
Ayon kay Garcia, may mga lugar na walang dahilan pero biglang tumaas ang populasyon ng mga botante mula 20 hanggang 40%.
Paliwanag ni Garcia, karaniwang ginagamit lang aniya ng mga ito sa requirements ay nagpapakita ng barangay certification sa pagpaparehistro.
Nangangamba naman ang komisyon na maaaring nagagamit na sa pamumulitika ang mga botante.
Babala ni Garcia kung mapapatunayan ang iregularidad pwede nilang ipawalang bisa ang listahan ng mga botante at magsagawa ng panibagong special voter registration. GENE ADSUARA
-
‘Kailangan kayo ng bansa’
HINIKAYAT ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga magagaling na scientists, engineers at technical experts na bumalik sa bansa upang maibalik ang galing ng Pilipinas. Sa talumpati ng Pangulo sa harap ng Filipino community sa New Jersey Performing Arts Center sa New Jersey, USA hinikayat niya ang mga matatalinong Filipino scientists na bumalik […]
-
ARTA award, nasungkit ng Navotas at Valenzuela
NASUNGKIT ng Navotas at Valenzuela Cities ang Accelerating Reforms for Improved Service Efficiency (ARISE) Award mula sa Anti-Red Tape Authority (ARTA) para sa kanilang good governance at exemplary service. Tinanggap ni Navotas Mayor John Rey Tiangco, kasama si Vice Mayor Tito Sanchez, at Valenzuela Mayor Wes Gtachalian, kasama si Business Permits and Licensing […]
-
Erram, 2 pa gigisahin ni Marcial
NASA kumukulong mantika ngayon sina TNT forward John Paul (Poy) Erram NLEX center Joseph Ronald (JR) Quiñahan at John Rodney Brondial ng Alaska Milk dahil sa technical at flagrant fouls na kinatalsik nila sa unang laro sa reopening ng 45 th Philippine Basketball Association o PBA 2020 Philippine Cup eliminations bubble sa Angeles University Foundation […]