• April 20, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagtaas ng presyo ng food at non-alcoholic beverages, malaki ang kontribusyon sa mabilis na inflation noong Hunyo – PSA

ANG tumaas na presyo ng food and non-alcoholic beverages ang itinuturo ngayon ng Philippine Statistics Authority (PSA) sa mabilis na inflation noong buwan ng Hunyo na umabot sa 6.1 percent mula sa dating 4.9 percent noong buwan ng Mayo.

 

 

Kahapon nang iulat ng PSA na ang annual headline inflation ay bumulis pa sa 6.1 percent noong June 2022.

 

 

Ito na ang pinakamataas na inflation mula noong October 2018.

 

 

Sinabi ni Undersecretary Dennis Mapa, National Statistician and Civil Registrar General, na ang mabilis na pagmahal ng mga bilihin at mga serbisyo ay dahil na rin sa mabilis na pagtaas ng presyo ng karne at iba pang bahagi ng tinatawag na slaughtered animals gaya ng manok na may 8.1 percent at bigas na 2 percent.

 

 

Ang mga prutas partikular ang mangga at at nuts ay nasa 1.1 percent.

 

 

Ang second commodity group na nakapagtala ng mas mataas na inflation noong June ay ang transport na mayroong 17.1 percent share sa pagbilis ng overall inflation.

 

 

Ang gasolina ay nakapagtala ng 53.9 percent noong June mula sa dating 47.2 percent noong Mayo habang ang diesel ay 92.5 percent mula sa dating 86.2 percent.

 

 

Samantala, ang alcoholic beverages at tobacco product ay bumilis din sa 7.8 percent dahil ang sigarilyo ay nakapag-contribute ng 8.9 percent, ang beer ay 6.2 percent at ang spirits at liquors ay 5.2 percent.

 

 

Para naman sa National Capital Region (NCR) ang inflation ay bumilis sa 5.6 percent noong June mula sa datiing 4.7 percent noong buwan ng Mayo. (Daris Jose)

Other News
  • Pangulong Duterte, nakiisa sa pagdiriwang ng mga Bulakenyo ng ika-123 Araw ng Kalayaan

    LUNGSOD NG MALOLOS– Nakiisa si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa pagdiriwang ng ika-123 Taong Anibersaryo ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas sa Bulacan habang personal at postyumong iginawad ang Orden ng Lapu-Lapu, Ranggong Magalong kina Hen. Gregorio S. del Pilar at Marcelo H. del Pilar sa Harap ng Gusali ng Kapitolyo sa lungsod na ito […]

  • BRP TERESA MAGBANUA, GAGAMITIN SA PAGPAPATROLYA

    GAMITIN  sa pagpapatrolya ang bagong barko na BRP Teresa Magbanua ng Philippine Coast Guard (PCG) sa West Philippine Sea (WPS) sa sandaling makabalik ito mula sa  Regional Marine Pollution Exercise (Marpolex) 2022 sa Indonesia.     Sinabi ni  PCG Rear Admiral Bobby Patrimonio, ng  PCG Marine Environmental Protection Command, na ang nasabing barko ay gagamitin […]

  • Magbibitiw sa puwesto dahil nagsasawa ng labanan at tuldukan ang korapsyon sa burukrasya

    INAMIN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na nagpahayag siya na gusto na niyang magbitiw sa puwesto dahil sa pagkadismaya at pagkabigo dahil sa hirap na maalis ang korapsyon sa gobyerno.   Sa kanyang public address, Lunes ng gabi ay inamin ng Pangulo na nakararanas siya ng matinding hirap para labanan ang korapsyon sa burukrasya. Aniya, […]