• April 20, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagtaas sa kaso ng dengue sa bansa, inaasahan na- Dr. Solante

INAASAHAN na  ni  infectious disease expert Dr. Rontgene Solante ang  pagtaas ng kaso ng dengue na naiuulat sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

 

 

Ani Solante, year in- year out ay sadyang mataas ang dengue cases lalo’t apat na stereotypes ng sakit ang naririto sa Pilipinas.

 

 

Ito aniya ay ang  DENV-1, DENV-2, DENV-3 at ang DENV-4  dahilan para mapabilang ang Pilipinas sa listahan ng WHO bilang isa sa mga bansa sa Asia na may mataas na kaso ng dengue.

 

 

Aniya pa rin, nagsisilbing contributory factor ng pagtaas ng kaso ng dengue ay ang weather o panahon  partikular na ngayong panahon na ng tag-ulan at nakadadagdag aniya ang population density.

 

 

Payo ng eksperto, gawing prayoridad ang prevention. maglinis ng kapaligiran at agad na magpakonsulta sa mga doktor kung may nararamdmaan upang hindi mauwi sa kumplikasyon ang sitwasyon.

 

 

“Okay, sa Dengue naman, mayroong nang programa ang Department of Health in placed a ‘no. At isa rin dito, is iyong diagnosis and case management. Pero ang pinakaimportante pa rin dito iyong environmental hygiene, So, ibig sabihin, ang pagkontrol ng mga pinupugaran ng mga lamok, ang paglinis ng mga kapaligiran natin ay napakaimportante,” ayon kay Dr. Solante.

 

 

“Now, sa Dengue case management, early recognition is important also ‘no. Expected iyan, na tataas ang Dengue cases natin because of the weather and at the same time, iyong population density.” ayon pa rin kay Dr. Solante sabay sabing “Sa data ng WHO, ang Philippines is one of those countries sa Asia na napakataas ang dengue, year-in and year-out. And we have the four serotypes that is circulating, ng Dengue – the DENV-1, DENV-2, DENV-3 and DENV-4, kaya expected talagang tataas, and prevention is a matter of priority na maglinis ng environment and at the same time, kung mayroon nang mga sintomas, pakonsulta kaagad sa mga doktor para hindi tayo mahuli sa mga kumplikasyon.” (Daris Jose)

Other News
  • Maiksing curfew, mahabang mall hours asahan – MMDA

    Payag ang mall owners na pahabain ang kanilang operating hours ngayong Christmas season, upang makatulong sa pag-iwas sa mabigat na trapiko sa mga lansangan, ayon ito kay Metropolitan Manila Deve­lopment Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos nitong Lunes.     Sinabi ni Abalos na pataas nang pataas ang bilang ng mga sasakyan sa EDSA na magbubunga […]

  • 14 DOTr projects na nagkakahalaga ng P1.6 trillion, nasayang dahil sa delays

    TINATAYANG 14 foreign-assisted Department of Transportation projects na nagkakahalaga ng P1.6 trillion ang nasayang dahil sa delayed implementation.     Makikita sa annual audit report ng Commission on Audit (COA) para sa DOTr taong 2021, ang mga proyektong ito ay tinamaan ng  mga sumusunod na problema gaya ng “change in project cost, procurement issues,budget and […]

  • MECQ sa NCR ‘di ipinapayo ng OCTA na luwagan

    Binalaan ng mga eksperto mula sa OCTA Research Group ang pamahalaan sa pagluwag pa lalo ng COVID-19 restrictions sa National Capital Region (NCR) kahit pa bahagyang bumagal na ang pagkalat ng sakit.     Sinabi ni OCTA Research fellow Fr. Nicanor Austriaco na dapat tumagal muna ng ilang linggo na mababa sa 1 ang reproduction […]