• March 15, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagtakbo ni Mayor Sara sa pagka-VP ‘desisyon’ ni ex-Sen Marcos

Si dating senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang siyang nag-impluwensya kay Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na tumakbo sa pagka-bise presidente sa 2022 national elections, ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte.

 

 

Sa isang panayam, sinabi ni Pangulong Duterte kumbensido siyang “desisyon” ni Marcos ang pagtakbo ng kanyang anak sa pagka-bise presidente.

 

 

Nobyembre 13, nagpadala ang alkalde ng Davao ng kanyang kinatawan para maghain ng kanyang certificate of candidacy sa pagka-bise presidente, sa ilalim ng Lakas CMD.

 

 

Ito ay nangyari dalawang araw naman matapos siyang manumpa sa naturang partido at kanyang pagkalas sa regional party na Hugpong ng Pagbabago.

 

 

Samantala, sinabi ni Pangulong Duterte na asahang mag-aanunsyo din siya hinggil sa kanyang magiging desisyon kung siya ba ay tatakbo na rin sa pagka-bise presidente o hindi.

 

 

“In a matter of hours, you would know. I will make an announcement. Baka. Ito ano lang, para malaman ng tao na hindi ko nagustuhan ‘yung nangyari. Hindi ko naman siya (Sara) sinisisi kasi ‘di kami nag-usap,” saad ng Pangulo.

 

 

Ito ay kasunod na rin nang sinabi ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar na maghahain si Pangulong Duterte ng kanyang COC , Nobyembre 15. (Daris Jose)

Other News
  • Ads July 2, 2022

  • E-Konsulta services ni Robredo tinapos na; mahigit 58-K ang natulungan

    TINAPOS na ni Vice President Leni Robredo ang mga serbisyo ng Bayanihan E-Konsulta ng kanyang opisina matapos tumulong sa mahigit 58,000 katao, isang buwan bago siya bababa sa pwesto.     Inanunsyo ni Robredo ang huling araw ng libreng telemedicine platform ng Office of the Vice President (OVP) na inilunsad noong Abril 2021 upang matulungan […]

  • 2 drug suspects huli sa P100K droga sa Valenzuela

    MAHIGIT P.1 milyong halaga ng droga ang nasamsam sa dalawang hinihinalang drug personalities matapos matimbog ng pulisya sa magkahiwalay na buy bust operation sa Valenzuela City.     Sa kanyang report kay Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr., sinabi ni PMSg Carlos Erasquin Jr na dakong alas-10:15 ng Martes ng umaga nang magsagawa ng […]