PAGTANGGAP NG RED HAT NI CARDINAL ADVINCULA, IPINAGPALIBAN
- Published on May 29, 2021
- by @peoplesbalita
NAIPAGPALIBAN sa susunod na buwan ang pagtanggap ng biretta ni Archdiocese of Manila Archbishop-elect Cardinal Jose Advincula na ipinagpaliban ang pagtanggap nito ng biretta sa susunod na buwan.
Sinabi ni Cardinal Advincula sa Radio Veritas na itinakda na sa Hunyo 8, 2021 ang ‘bestowal of red hat’ matapos na sumailalim sa 14-day mandatory quarantine si Apostolic Nuncio to Philippines Archbishop Charles Brown nang dumating sa bansa mula sa New York.
Ayon kay Cardinal Advincula, ito ay gaganapin pa rin sa Immaculate Conception Metropolitan Cathedral sa Roxas City ganap na alas nuwebe ng umaga.
Sa Hunyo 24, 2021 naman ay pormal nang itatalaga si Cardinal Advincula bilang ika -33 arsobispo sa Arkidiyosesis ng Maynila.
Ito rin ay dadaluhan ng mga alkalde ng San Juan, Pasay, Makati, at Mandaluyong sa pangunguna ni Manila City Mayor Francisco Domagoso.
Imbitado rin sa installation ang Pangulong Rodrigo Duterte at Vice President Leni Robredo.
Puspusan naman ang paghahanda ng arkidiyosesis sa pagdating ng bagong arsobispo lalo’t mahigit sa isang taon nang sede vacante ang arkidiyosesis na pansamantalang pinangangasiwaan ni Bishop Broderick Pabillo.
-
Bigo man sa titulong ‘Queen of the Mothertucking World’: MARINA, nag-iisang Asian na umabot sa Top 4 sa ‘RuPaul’s Drag Race: UK vs. the World’
BIGO na mapanalunan ng Pinay Drag Artist na si Marina Summers ang titulo na Queen of the Mothertucking World sa ‘RuPaul’s Drag Race: UK vs. the World’. Ang nagwagi ay si Tia Kofi ng UK. Umabot sa Top 4 si Marina pero napauwi siya nang hindi siya magwagi sa lipsync showdown. […]
-
Na-grant ang request na makipag-divorce kay KANYE WEST: Reality TV star na si KIM KARDASHIAN, officially single na
WALA pa raw sa isipan ni Rhian Ramos ang magpakasal kahit na marami na sa kanyang mga kaibigan, in and out of showbiz, ay mga nag-asawa na at may mga sarili ng pamilya. Sey ng bida ng Artikulo 247, na marami pa raw siyang gustong gawin at ma-achieve kaya never daw naging priority […]
-
“Unilaterally terminate” ang kasunduan sa UP, suportado ni PDu30
SUPORTADO ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang desisyon ng Department of National Defense (DND) na “unilaterally terminate” ang kasunduan nito sa University of the Philippines (UP) na may kinalaman sa pagpasok ng state forces sa nasabing campus. Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na kinatigan ni Pangulong Duterte ang nasabing desisyon dahil “alter ego” ng […]